ICA Point Of View
After ng class namin ay dumeretso ako dito sa Gymnasium para manood lang ng practice ewan ko ba kung bakit wala pa sila Ally, iba kase ang section ko sa kanilang tatlo kaming dalawa lang ni Tristan ang naiibang section sa kanilang tatlo, Sila Dessie at Leon naman Ay nasa 3rd year palang.
"Nasan yung dalawa?" Sambit ni Dessie ng maupo ito sa tabe ko.
"Hindi pa siguro nila dismisal. pag dating ko kase dito wala naman sila hindi na din ako dumaan sa classroom nila" Sagot ko na lang sa kaniya. naisipan naman naming lumipat kung nasan sila Tristan naka pwesto at yung ibang mga player. yung iba pa nga ay binati kame pero hindi namin sila pinansin.
"Diba si Kuya Juancho yun? kasali din pala siya team nila Tristan?" Pag tatakang sambit ko at saka itinuro kay Dessie si Kuya Juancho.
"Oo nga ano. Ay chat ko nga si Ate Trixie sabihin ko nandito crush niya" Natatawang sambit ni Dessie. kinuha niya nga yung phone niya at chinat niya nga talaga si Ate Trixie.
Sabay kaming napatayo ni Dessie nang makita namin na papalapit na lahat ng team mates nila Tristan dito para maka pag water break.
"Nasan yung dalawa?" Takang tanong ni Christian ng maupo ito at kinuha yung tumbler ng tubig niya at saka uminom
"Ewan ko hindi pa nga nag rereply sa mga message ko eh" Sambit ko sa kaniya agad ko naman inabot yung tumbler ni Tristan at yung towel niya nang lumapit ito saakin.
"Thanks Babe" Sambit ni Tristan at saka ako kinindatan akmang yayakapin pa sana niya ako pero pinigilan ko din agad siya..
"Pwede ba. ang pawis mo kaya. didikit pa yan sa uniform ko eh" Sambit ko sa kaniya nag tampo naman siya na parang bata kaya hinampas ko tuloy mukha niya.
"Ang Sweet sweet mo talaga eh no HAHAH Aray ah" Sambit niya saakin at saka ako tinawanan kahit hinahampas hampas ko siya ng towel.
Sira ulong to!!
Naupo na lang ako sa tabi ni Tristan ng umupo din ito napatingin na lang ako Kila Dessie at Leon na sobrahan na naman sa ka sweetan ang Dalawa. Alagang alaga kase nila yung isa't isa. lalo na ngayon. Si Dessie pa yung nag pupunas ng Pawis ni Leon at nilagyan niya din ito ng sapin sa likod.
"Mag shota ba kayo? oh mag ina? HAHAHAH" Natatawang sambit ni Christian sa dalawa yung ibang player naman kinikilig sa dalawa samantalang itong isa walang ginawa kundi mang asar.
"Ingit ka lang bro sa sweetness ng dalawang ya eh diba girlfriend mo si Fate. papuntahin mo din kaya dito para may taga abot ka ng tubig at taga punas ng pawis mo HAHAHAH" Sambit ng isa sa mga teammates nila hangang sa nag asaran na silang lahat doon nakit ko naman na kaka lapit lang ni Kuya Juancho sa puwesto namin, katatapos niya lang daw palang kausapin yung coach nila.
"Classmate mo si Ate Trixie diba?" Tanong ko sa kaniya agad naman siyang napatingin saakin at ngumiti. totoong super gwapo ni Kuya Juancho kaya halos lahat ng mga babae at bakla dito sa Campos may gusto sa kaniya maliban na lang saamin nila Dessie, Ally at Annah.
"Yes, Why?" Takang tanong niya. saakin.
"Kame kase yung mga bff niya eh, I'm Ica, Si Dessie, Leon, at yang dalawang ulikba na yan HAHAHA" Pag papakilala ko sa kaniya kilala naman na niya yung dalawa kaya ayos lang.
Natawa naman siya nang sabihan ko ng ganun sila Tristan at Christian. alam niya din palang boyfriend ko si Tristan.
"Close ba kayo ni Ate Trixie?" Tanong naman ni Dessie sa kaniya.
"Actually I don't know, nagkakausap naman kame lalo na sa groupings pag mag kaka group lang kame" Sambit niya saamin saka kame nginitiang dalawa.
"Ah... okay" Ayan na lang nasambit ko at ngumiti na lang sa kaniya napa tingin kame ng marinig namin boses ni Ally at Ate Trixe.
"Oh.. nasan si Annah bakit silang dalawa mag kasama"
"Tapos na practice nyo?" Tanong naman agad ni Ate Trixie hindi man lang niya pinansin si Juancho.
Ayieee... aasarin ko siya mamaya. HAHAHAH
"Hindi pa meron pa kaming last na practice. nakakapagod kaya" Sambit ni Christian kay ate Trixie at saka tumayo tapos umakbay sa kaniya at ipinatong ang ulo sa balikat nito. Mas matangkad saamin si Christian kaya medyo nag baba siya para sakto siya sa tangkad ni ate Trixie.
"Aba malamang basketball ang practice nyo saan ka naka kitang nag pa-practice ng basketball na hindi na kakapagod?" Pang babarang sambit ni Ally sa kaniya agad naman inilayo ni Ate Trixie si Christian sa kaniya.
"Umayos ka nga tangkad tangkad at ang bigat ng ulo mo eh maupo ka nga don at pwede ba! grabe naman yang pawis mo punasan mo nga oh!" Sambit ni Ate Trixie habang pinupunasan ang mukha ni Christian.
"Aray ko naman Nay. sakit ah may galit kaba sakin" Natatawang sambit ni Christian nang tawagin niya pang Nanay ulit si Ate Trixie.
"Wala ba kayong mga extrang damit grabe naman yang mga pawis nyo!" Sambit ni Ate Trixie sa kanila at naupo sa puwestong inupuan ni Christian.
"Wala, Sa bahay na kame mag papalit" Sagot agad ni Christian sa kaniya. at saka umakbay naman kay Ally.
Hilig talaga nito umakbay.
"May dala akong extrang jersey at shirt ni Leon, Ikaw ba Ica nakapag dala kaba? ay love mag palit ka muna pala" Sambit ni Dessie saakin. Iniabot naman ni Dessie yung jersey na dinala niya kay Leon. agad naman nag hubad si Leon ng dapat at isinuot yung binigay ni Dessie na jersey.
"Aray ko" Sambit bigla ni Leon habang napapakamot pa sa ulo niya ng batukan siya ng kapatid.
"Kaylangan sa harap ka ni Des mag hubad?" Sambit naman ni Christian sa kaniya.
"Sorry na" Sambit na lang ni Leon sa kaniya mabuti na lang at si Dessie na ang tumalikod ng mag hubad si Leon.
Loko din ang isang to. porket girlfriend niya na eh akala niya pwede na niyang gawin yun nakalimutan niyang kasama niya pa kuya niya ayan na batukan ka tuloy.
"Babe oh, mag palit ka, doon ka wag ka sa harap ko baka masuka pa ko sayo" Natatawang sambit ko kay Tristan ng iniabot ko sa kaniya yung isang Jersey niya din na dala dala ko.
"Oh. mag palit kadin nga ang lagkit mo. grabe yang pawis mo pawis pa ba yan or mantika na" Natatawang sambit ni Ally ng ibato niya kay Christian yung Jersey na hawak niya.
eh bakit may dala siyang jersey?
"Wow naks salamat at. anong mantika anong akala mo sakin mataba?" Sambit ni Christian sa kaniya at nag palit na din agad sa harap pa talaga namin nag hubad kaya ayan na bato na nga ng water bottle na batukan pa.
"Tngina nyo ah.. aray!! mga g*go kayo" Sambit ni Christian ng matapos siyang makapag suot ng damit at ibinalik ang pag bato niya sa mga ka teammates niya.
"Wag kang mag hubad sa harap ng mga babae bro!" Sabay sabay na sambit nilang lahat kay Christian. agad akong napatingin ng may nag takip ng mata ko bago pa mag hubad si Christian. ganun din sila Dessie, Ally at Ate Trixie.
Tinakpan pala agad ni Leon yung mata ni Dessie. Ganun din si Kuya Juancho na naka takip ang mga kamay niya kay ate Trixie tapos yung isang teammates nila Christian na katabi ni Ally na tinakpan yung mata.
"Kilos lalaki lang mga to Jay pero hndi mukhang lalaki ah" Natatawang sambit ni Tristan Sa kaniya at saka tumabi na sa kinauupuan ko.
"Team back to the court! last practice faster!!!! Phwwwwwhht" Sambit ng coach nila sabay pito.
TO BE CONTINUED..
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!