"Amerea! Bumaba ka dito ngayon din!" Isang galit na sigaw galing sa aking Ina ang gumising saakin.
Agaran naman akong tumakbo pababa ng hagdaan, na ngayon ay pinagsisihan ko na, 'di pa rin kasi magaling ang mga sugat ko at ngayon na tumakbo ako ay mas lalo lang siyang sumakit.
"M-Ma'am." Tawag ko dito nang makarating ako sa kusina kung saan ko narinig ang galit na boses ng aking Ina
Nakatayo siya doon habang ang mga basag na plato ay nakakalat sa may bandang paanan niya, yung mga mamahaling plato, basag na nakakalat sa paanan niya. Patay.
Bwiset, anong nangyari? May nag tantrums ba dito?
"Ikaw na walang kwentang babae ka, ba't ba ang tanga tanga mo! Kita mo yang mga platong yan? Ang mamahal niyan!" Sigaw nito.
Tumungo ako ng bahagya at hindi nag sabi ng kahit ano pa. Hindi niya rin naman ako paniniwalaan, kaya mas maganda ng hindi nalang magsalita.
"Ano!? Ba't hindi ayaw mong mag salita, mag-explain ka!" Sigaw nito.
"Ma'am-" Sa kadahilanang masasaktan din naman ako kung hindi ako magsasalita ay magsasabi na dapat ako ng bigla nalang may pumutol saakin.
"What's with the yelling Mother? Jeez it's literally 7:05 in the morning." Sabi ni Eve, ang half sister ko
"Yan, yan sinira niya yung mga mamahalin nating plato!" Sabi ni Mama.
"Come on Mom, nasa 30 pa yang mga plato mo na yan, ano naman kung mabasag yung isa. At t'saka pa, ako naman ang nakabasag, okay?" She said rolling her eyes.
Gulat na napatingin ang nanay niya sakanya, kahit ako ay nagulat. Hindi naman sa masama ang ugali sa akin ni Eve or kung ano pa man pero yung paraan nang pagsagot niya sa nanay niya. Mahal na mahal niya ang nanay namin, pero hindi tulad ng aming Ina, si Eve ay mabait, may pake, and lagi akong iniisip.
Lumaki siya na ako halos ang kasama niya, 3 taong gulang ako nung pinanganak siya, inalagaan ko siya sa abot ng makakaya ko, sa punto na yun ay kinakalaro ko lang siya hanggang sa dumating ang aming Ina para pakainin siya habang ako ay iniiwan lang para magutom. Nasanay nalang talaga ang katawan ko.
Kamukhang kamukha niya ang nanay namin, with those brown shiny eyes, long wavy black hair, her nose and lips, ang nakuha niya lang ata sa stepfather ko is yung Kilay niya, meron siya nung may pagkamakapal na kilay, pero bukod pa doon, kamukhang-kamukha niya talaga ang nanay namin.
Habang ako? Ni kakapiranggot ay wala akong nakuha sakanya, long wavy brown brunette hair that almost reached my butt, thin heart shaped lips, thick eyebrows that fitted my face perfectly, pointed nose, my different colored eyes, Grey on the Left and Green on the right.
Masyadong malalim ang iniisip hindi ko napansin ang matinding away na nangyayari sa harap ko.
"ANONG KARAPATAN MO PARA PAGSALITAAN AKO NG GANYAN?! I GAVE BIRTH TO YOU, YOU BITCH!" Sigaw ng nanay namin na sa sobrang lakas ay maaring narinig na ng mga kapitbahay namin.
Hindi nagsalita si Eve, bagkos ay hinila niya ako palabas ng bahay at pumasok sa sasakyan ng kanya Ama, na hindi ko alam kung paano pero nasakanya ang susi.
"EVELIA MARIE JACOB BUMALIK KA DITO!" Rinig na rinig ko ang sigaw ng aming Ina mula sa loob kahit na mabilis ang patakbo ni Eve sa sasakyan.
"Eve! Slow down!" Malakas na sigaw ko kay Eve dahil sa sobrang takot sa bilis ng pagpapatakbo nito ng sasakyan.
Tumingin ito saakinat binagalan ang pagpapatakbo ng sasakyan nang makita nito ang takot na takot kong mukha. Nagsabi ito ng sorry at ipinagpatuloy ang pagmamaneho sa desenteng bilis.
Tumigil kami sa isang restaurant para kumain saglit, dahil hindi pa kami nakakain dahil sa kaguluhan kanina sa bahay.
Habang nag uusap tungkol sa mga bagay bagay na minsan ay nakakapag patawa samin, may mag taong pumasok, at may hawak silang mga baril.
Agad kong hinila si Eve sa ilalim ng mesa, malaki yung mesa at may mahabang mantel an nakalagay dito kaya hindi kami makikita.
O 'yun ang pag-aakala ko. Apparently someone saw us going under the table at sinabi nito sa isa sa mga lalaking may hawak na baril ang lugar namin.
Fuck that guy.
Someone pulled Eve out of the table. Sinubukan kong abutin ang kamy niya, naging successful naman ako, sinubukan ko siyang hilahin pabalik sa'kin, but all in vain. May bumaril sakin na naging rason para bitawan ko si Eve. Dalawang beses ako tinamaan, isa sa braso at isa sa may bandang balikat, malapit sa puso. I felt weak, nagsisimula ng lumabo ang mata ko, kasabay nito ang unti-unting pagbagsak ng katawan ko.
"Ame!" Isang malakas na sigaw ni Eve bago tuluyang sumara ang mga mata ko.
Bago tuluyang mawalang ng malay ay nakarinig pa ako ng isang baril, wala akong naramdaman. Takot na takot, baka may nangyari kay Eve.
"Eve..." That was only thing that came out of my mouth before my eyes closed.
First chapter of taglish version! Posted rin to as a separate book, para hindi nakakalito para doon sa iba. Every week ang 1-2 chapters. Medj mahirap pala mag translate.
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!