Khai POV
Hindi ko alam na siya may ari nito. Wala man lang sinabi si Dad tungkol
dito....
"Hello Dad bat hindi niyo po sinabi na si Khazy pala may ari ng company yun" pagrereklamo ko..
"Kailangan mo pa bang malaman? Akala ko ready ka kahit sinong business man/woman pa yan.."
"Oo Dad pero sa Ex ko hindi ko kaya"
"Ano tinanggap ba yang proposal mo na pinamamayabang mo sa akin?"
"Wala hindi pa nga niya alam kung ano yung proposal na yun kasi ang dami kong tanong kaya napalayas ako"
"Hahahaha masyado ka pang bata interms sa business.. Nakilala mo ba ang Khazy na kilala mo sa pananalita niya kanina?"
"Sige tawanan mo pa ako nalulugi na nga business natin eh"
"Kung gusto mo talagang makuha ulit si Miss A interms in business mag isip ka ng deal na nakakalamang siya.. Dahil kung ikaw ang nakalalamang or pantay siguradong hindi niya tatanggapin.. Hindi siya tumatanggap ng tie sa mga taong hinamumuhian niya.. Good luck Son! Tandaan mo kailangan mong bumawi sa Mommy mo"
"Yeahh I will Dad" malungkot kong sabi..
End call
Si Mommy ang dahilan bat ako nagpupursigi ngayon laki ng disappointment sa akin.. Puro nalang failures ang ginawa ko..
Pati mga kaibigan wala ng tiwala sa akin lalo na si Khielle hanggang ngayon galit parin dahil sa ginawa ko..  Ang alam ng lahat masama ako pero hindi nila alam ang dahilan bat ko ginagawa yun...
Lalo na ang pananakit kay Khazy.. May rason lahat pero hindi ko pwedeng sabihin dahil may mawawala kapag may makaalam... Hindi bale na ako nalang ang magtiis kaysa ang iba...
love calling...
"Where the hell are you?!"
"Nakimeeting sa business partner.. Bakit?"
"Umuwi kana ngayon hinahanap ka ng anak mo!"
"OMW" (On My Way)
Hang up....
Hindi ko pwedeng sabihin kay Cheska na si Khazy ang business partner na yun kundi iba na naman patutunguhan... Ang hirap ng sitwasyon ko hindi ko alam kung paano ko pa ito ihahandle.. I hate the word OBSESSION! Dahil diyan kawawa ako... F*ck!!!
Bago ako tuluyang umuwi dumaan muna ako sa Mall para bumili ng pasalubong kay Rence...
"Excuse me Mr. Can you give me that car?" tanong ng batang babae... Namumukhaan ko siya... Maganda din siya in person gaya ng ina.. Pero parang girl version ko..
"Hello??" pag aagaw ng bata sa atensiyon ko kaya bumalik ako sa ulirat... At inabot sa kanya ang box ng Ferrari Cars.. Mahilig siya sa cars?
"Hazey! Remember Oppa said don't talk to strangers! Your so careless!" biglang sulpot ng kakambal niyang lalaki galit na galit.. A brave and handsome boy... Hindi mo mahahalatang 4 years old palang dahil sa matured niyang pag iisip... Tinitigan ko ang mga hugis nito kumirot lalo ang puso ko...
"Bye Mr. Thankss" paalam ng batang babae habang hinahatak siya ng kambal niya...
Pagkaalis nila tumulo ang mga nagbabadyang luha ko... Ang mukha ng batang lalaki may hawig sa akin pero yung babae kuhang kuha ang itsura ko noong bata.. Girl version ko siya! Mga anak ko!! *sniff* *sniff*
Sinundan ko sila kung saan sila dumaan pero nagpunas muna ako ng luha.. Nakita kong kasama niya sina Kate at Khielle...
Buti pa sila nakakasama ang mga anak ko..
Ngayon at napatunayan ko ng akin kayo sana mapatawad niyo ako at gagawin ko ang lahat para makasama kayo... Lulutasin ko muna ang problemang ginawa ko at susuyuin ang ina niyo... Sana lang magtagumpay ako.... Hintayin niyo ako mga anak ko!
Pagkabili ko ng laruan pumunta na ako kila Cheska...
Khazy POV
"Lakas makapagfreezer kanina dinaig mo na ang volume ng airon baka may mas titindi pa don?" pang aasar ni Azer pagkaalis ni Khai puro pang aasar nalang ginawa ng mokong na to...
"Hindi naka maximum yun.. Baka gusto mo sayo ko ipakita ang maximum level?" nakangisi kong sabi
"Tss.. tara na kain na tayo" sabi nalang niya at hinila ako palabas ng office...
Sa may Korean restaurant nalang kami kakain dahil konti lang ang tao doon...
"Ako na mag oorder" sabi naman ni Azer...
Kaya umupo nalang ako...
"Ako nalang makikimeeting mamayang hapon para naman may silbi ang suit ko" sabi niya habang hinihintay ang pagkain...
Pagkatapos namin kumain may lumapit na babae...
"Pwede po magpapicture... Nakita ko po kasi kayo sa social media.. Trending and number 1 for Best Couple.." sabi ng babae kaya kumunot ang noo kong napatingin kay Azer... May alam ba si Azer dito??
"Sure" sagot ko nalang
Click
Click
Click
Click
"Salamat po" at nagbow ang babae
"Your Welcome" sabay na sagot namin ni Azer...
"By the what site did you saw us for Best Couple?"
Pagkasabi ng babae ng site nagpasalamat si Azer at umalis na ang babae...
"Yang mga tingin mo parang may kinalaman ako ha.. Kaya nga ako nagtatanong ng site kasi hindi ko alam.. Ang alam ko lang nagpopost ako sa IG at FB.." depensa niya...
"Okk fine.. Search mo na yang site na yan"
"Wew ang famous natin ahh hahahahah"
Pinatingin sa akin yung picture kasama ko siya noong nagwowork out kami 3 months ago...
"Tsss.. Walang kwenta" sagot ko
"Maybe if I will tell you who is our competitors here.. You'll gonna interested"
"Who are they?"
"Chesfxel and Kurtrish love team.. We're 100,000 ahead from Chesfxel.. And 150,000 for Kurtrish.. Price for the winner is 1M and a trophy"
"Now it's interesting... Pero masyadong malayo ang gap"
"Doon ka nagmali tingnan mo kung gaano kabilis ang paghabol ng both teams" pinakita niya sa akin at ang bilis magpalit ng mga numbers..
Habang yung sa amin stable palang..
Nagbasa ako sa mga comment at nagmemention si Cheska...
Doon sa comments naman sa amin ay hinahanap kami ng mga tao...
Hanggang sa may nagpost doon sa comment box na babae at yun yung picture namin kanina...
'I saw them eating in Korean restaurant just now.. But don't go there   I will assure they already left' nakalagay sa comment box...
'Sana all..'
'Asan kaya sila ngayon'
'I think hindi nila alam ang site nato dahil nagtanong pa sa akin si Mr. Schulte... Kaya mamaya siguro magcocomment sila dito' dagdag na comment ng babae...
Ang daming nagheart sa picture na kakapost niya at sa comment niya na last...
'Waitingggg arat mention! Humahabol ang ibang love teams'
Saka ko binigay yung phone ni Azer...
"Magcomment kana hinahanap na tayo... Magpaparamdam nalang ako mamayang gabi.. Mention mo na din ang TripleK.." sabi ko at lumabas na kami para bumalik sa office...
Nagchat ako sa gc ng company...
'Find that site... When we win to that contest.. the 300,000 pesos will be our additional budget for the company.. and the 200,000 will be our budget for grand Christmas Party...'
'Aliyah Kim the 100,000 pesos will the budgets for the orphanage'
'Jerica Wong save also sa 200,000 pesos for hospital budget'
Magiging 200,000 magiging sariling pera namin... Pero balak ko ang 100k sa mga comentors at sa mga nagtyagang sumuporta sa contest na yun... At yung natitira is for outing with the family at pambili ng wants..
"Agree ka bang 100k lang mapunta sa atin?" tanong ko kay Azer..
"Okk lang alam ko naman na bibigay mo na naman sa mga tao mo yan.. Sa dami ba naman na sinusuportahan mo.. baka kung pa ang 1M eh"
"Ganon talaga para kahit papaano makatulong tayo sa mga nangangailangan at patuloy sila magsisipag sa trabaho" sagot ko...
"Kate is calling.."
"Waeyo?"
'Hinahanap kayo ni Dada umuwi na raw muna kayo'
"Pasabi kay Daddy after ng meeting pupunta kami diyan si Fhreyze.. Kamusta ang mga bata?" tanong ni Azer... Daddy na ang tawag niya kay Dad dahil anak anak naman niya ito noon pa...
'Daddy Hazey talk to stranger!'
Rinig kong sumbong ni Hirro
"Is it a boy?" tanong ni Azer..
'Ne, I saw his physical appearance his looks like Hazey but a girl ang small version' napakunot noo ako sa sinabi ni Hirro
"Did you imagine that? Don't worry you Mom talk to her later.. Just don't bully her okk?"
'Ne, I'm just going to play to Oppa Khielle'
"Okk give the phone to your Noona"
"Kilala mo ba kung sino yung stranger na sinasabo ni Hirro?" tanong ni Azer... Puro siya lang nagsasalita tamang pakinig kinig lang ako...
"Hindi ko din alam.. Hindi ko naabutan.. Hindi kaya si Khai yun?"
"Ilayo niyo ang anak ko sa kanya kung ganon.. Were going home at 3" seryosong sabi ni Azer at pinatay ang tawag.... Creepyyy!!
"Makatingin ka parang kakainin kita ng buhay ah... Mas nakakatakot ka kapag seryoso kaya wag kang ganyan magreact Freezer"
Sa sobrang kamamadali ni Azer umuwi pinaaga niya ang meeting kaya client yung nag adjust...
"We can go home now.." biglang sulpot niya sa office ko
"Tapos na agad agad? What did you do?" tanong ko..
"I told that I'll just call them when I already read there papers" sagot niya...
"Uwi na tayo hinahanap ka na ni Daddy at kakausapin ko pa ang mga bata about sa stranger na nakita nila" sabi niya at hinila ang kamay ko..
"Okk eto na uuwi na bitawan mo na ang kamay ko" sabi ko kaya binitawan nga niya kaso inakbayan naman ako...
"Tsk!"
;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;
Pansamantalang update... Sobrang busy po kasi at nauubusan din ng load pang update....
Dedicated to all my readers waiting this update! I will find time to mention you one by oneð
Stay Safe Everyone!
Keep your mind and heart cool!
Comments(0)
Join the discussion — sign in to leave a comment
Sign In to CommentNo comments yet. Be the first to share your thoughts!