Chapter 2 of 14

I. I saw him for the first time

Maybe this TIME3,264 words~17 min read

They said, "The first time you felt love is like a new world with everything in it the same, it's just that one person and one feeling that makes it different, it's LOVE"

Ngunit paano kung nagmahal ka kung kailan huli na ang lahat?, wala ng oras, wala ng panahon, wala ng oportunidad. Nakakasama mo, nakikita at nakakasalamuha sa araw-araw pero kung kailan patapos na ang mga araw na yun, doon mabubuo yung pagmamahal, so wala kang choice kundi mag move forward at sumabay sa agos ng buhay.

Naniniwala ba kayo sa "First Love Never Dies?", sa ibang tao applicable ito, they experienced it, having the feeling of missing someone from the past who really made your world turned upside down na kahit ilang panahon man ang lumipas, ilang tao man ang makilala mo, ibang-iba parin yung pakiramdam nung "Una kang nagmahal" 😊

Pero paano kung yung taong yun ay naiiba sa lahat, mahirap tanggapin, mahirap mahalin, hanggang sa huli, mahirap hanapin. Ngunit siya parin ang pinili ng iyong puso, tinanggap mo siya ng buong buo.

Sabi nga nila "Lahat ng taong nakakasalubong mo sa isang araw, may kanya-kanyang pagsubok na pinagdadaanan"

Kahit nga ang mga pinakamasasayang tao sa mundo meron at merong hidden pain diba?

Well, let's not be judgmental sometimes, let's learn to put ourselves in the situation of others, observe, listen and talk to them, you might discover the reason of their disproportionate actions or you might end up liking that person because of his strength and kind of mindset to avert life crises.

Looking back, reminiscing the past and the feelings back then makes me really happy in these hard times. I am a Professional Teacher, working in a private institution and waiting for some permanent opportunity in the government, then here I am, while thinking of my future I just discover a habit of writing because of some memories that keeps hunting me.

But it really became my habit now, I'm feeling happy and free whenever I write. Most especially about my past.

Please bear with my words, this is probably the first story I am going to finish coz I want to be lost for a while and go back to the past.

Year 2009 Start of the school year sa mga Academies, nasa fourth year na kami sa middle school, Still I have the same circle of friends, a small number is enough for me basta totoo at nakakatulong kayo sa isa't isa whatever happens.

"High school is one of the most memorable parts of your life" ika nga nila, it is when you can experience a roller coaster ride of emotions, it is when you meet different people with dreams and aspirations at siyempre aminin na natin, it is when we learn to love, may it be a youthful love or a love for real.

As teenagers with young minds, we got confused many times about what we feel, we know something is off but we still take the risk. That's the youthful but pure feelings of a teen ager who got stuck in love with someone who is completely different from others, a complete stranger with a very complicated life.

Nasa "average" level ang aking grades kaya hindi ako umabot sa cut-off grade para sa unang seksiyon kaya napunta ako sa second section

At syempre, unang araw ng klase , ayan na ung kinakatakutang "Self Introduction"

Habang ang iba'y nagpapakilala, abala ako sa pag-iisip kung anong kababaing pwedeng sabihin. Something na I-aappreciate ni teacher at hahangaan ng iba ko pang mga kaklase, although some of my classmates ay nakakasama ko na talaga since First Year

Oo, ganun akong klaseng tao, gusto ko kakaiba at nangunguna pero deep inside mahina, takot, nangangatog mga tuhod sa kaba at nahihiya. Lumaki kasi ako sa pamilyang karamihan ay professionals, anjan yung mga teacher, may engineer, may mga business man, kaya bilang panganay, the pressure is on me talaga.

Bago ko pa man mamemorize ang aking kakaibang self-introduction kuno

Tumayo ang isang lalake mula sa isang sulok, sa kanyang boses, matitigil ka talaga sa pag-iisip, nakalimutan ko tuloy yung sasabihin ko.

"I am Khael, the class valedictorian"

Whaaaaaaaaat? Bakit? Anong ginagawa ng class Valedictorian sa ikalawang seksiyon?

Nahiya tuloy ako, akala ko ako na ang may pinakamagandang self-introduction, "Your class Valedictorian", taob agad yung long speech ko, haaaysss.

At eto na nga, simplehan nalang natin

"I am Aika, ang may pinakamataas na grado sana sa seksiyong ito pero okay sige, pangalawa nalang ako."

Tawanan ang iba, ramdam ko yung nafefeelingan sila sa akin, well yun ang totoo, at dahil nga nabitin lang ng .10 yung average ko for the first section sana kaya napunta ako sa seksiyon na ito.

Actually, naalala ko that time, super nagutom ako sa kaba at hiya, atleast naipakita kong may confidence ako sa klase sa unang araw palang nito.

After mag pakilala ng class valedictorian na yun, bulungan ang mga nasa katabi kong upuan

"Anak yan ng Principal", Sabi ng chismosang kalapit ng upuan ko, magkukwento pero napakalakas ng boses.

"Ah, kaya siguro may guts na pumili ng kahit anong seksiyon" sabi ng kanyang kausap.

Mga lalakeng to, talo pa mga babae kung magchismisan.

"In fairness, may itsura talaga tong lalakeng to, mayaman, matalino pero mahiyain at hindi social.

After that period, it's recess time...

Habang naglalakad kami ni Darlene and aking cousin-beshy palabas ng room, may tila hindi magandang nangyayari sa agriculture room. Sigawan ang mga bata, well ako din naman that time dali-dali ang takbo!

"Teacher!, Teacher! Sigaw ng isang babae mula roon, natataranta na parang mangiyak-iyak ang boses

Agad naman kaming naki isyoso, isang lalake, nakahiga sa sahig at ang isa nama'y nakatayo na tila ba babawi pa ng isang suntok.

Habang tinitignan ko yung lalakeng nakahandusaysa sahig may sugat sa bibig, nakapikit at ngumingiti na  parang gustong insultuhin yung isa, hindi siya familiar sa akin at iba din ang kanyang suot, hindi siya nakauniporme.

Bumangon yung lalake, kapansin pansing wala siyang kasama, walang tumutulong sa kanya, ni walang pumulot sa kanyang bag na naihagis sa malayo.

Napaka haba ng binti, fit ang katawan at nakasuot ng maluwang na damit, at dahil uso pa noon ang piercing, meron siyang dalawa sa kanang tenga.

Maayos ang buhok na may kaunting bangs na nakalaylay sa kanyang noo, napakaliit ng mukha at ang tangos ng ilong, seryoso parang may hawig sila ni Hayden Christensen isang amerikanong actor.

Dumating ang guro at agad agad siyang tumayo ,naglakad papalayo hawak ang kanyang bag at isang box ng yosi

Sinusundan siya ng aking mga mata nang marealize ko, may isang babaeng nakatingin sa akin ng masama, hindi ko siya kilala pero dahil suplada din ako at isip bata pa talaga, inirapan ko din siya habang tingin pataas at pababa

E kayo ba? Are there times na napaka nostalgic ng feeling niyo? The thought na parang gusto mong bumalik sa nakaraan habang naaalala mo yung mga iba't ibang emotions?

Adulting life is completely different, iba na ang magiging mindset mo, there's a lot of responsibilities, you need to be financially stable for yourself and your family, ibang iba talaga pag bata ka.

Lumipas ang isang linggo, wala namang masyadong kakaibang nangyare, aside from sa Valedictorian na nasa second section? At yung lalakeng nakahandusay duguan ang bibig pero napaka cool parin ang dating.

Isama mo nadin ang mga bullies dahil nasa private school, mga kabataang walang ginawa kundi maghanap ng bibiktimahin, papaiyakin, ipapahiya, sasaktan.

Isang umaga...

Sa aming HG subject (Homeroom Guidance)

"Good Morning Class!, may bago kayong kaklase, you can call him "kuya" dahil mas ahead siya sainyo ng dalawang taon" Sabi ni Mrs. Toviera ang aming adviser

"Kuya? Aba siguro repeater ito "sabi ng aking bully thoughts.

Pumasok ang isang lalakeng estudyante, kakaiba ang kanyang dating, ang kanyang mga sharp eyes and sharp nose samahan pa ng kanyang sharp chin, everything in him is perfectly done talaga.

"Oh M G!" sabi ng mga katabi kong babaeng parang mahihimatay sa kilig.

Huli na nang maisip kong, parang familiar ang kanyang get up.

"Ako si Chris! Nice to meet you all"

"Is that everything you want to say?" sabi ni Ma'am Toviera

"Yes ma'am", sagot niya.

Bigla siyang tumingin sakin na para kaming magkakilala sa matagal na panahon, habang siya'y naglalakad nakatingin lang siya sa'kin.

Ay hindi pala, nakatingin siya sa upuan sa aking likuran, ayun lang kasi pala ang bakante.

Assuming ka girl!

At ayun na nga, lumipas ang mga araw na normal lang, si Darlene parin ang palagi kong kasama, ever since naman, since birth ata e magkausap na kami sa sinapupunan ng aming mga magulang dahil magpinsan din naman sila.

Tuwing HE subject namin, pupunta kami lahat sa agriculture area, isa to sa mga paborito kong gawin sa school, magtanim, mag tanggal ng mga damo damo, magdilig at syempre ang pinaka exciting part, ang mag landscape.

Tanggalan ng uniporme, magpapalit ng t-shirt at tsinelas para hindi madumihan. At dahil palagi kaming nakauniporme, nagiging fashion show tuloy yung subject na yun, chance kasi ng mga mayayamang estudyante na i-expose ang kanilang mga damit. Mga rich kid nga naman talaga, hindi inilulugar ang kanilang mga kaartehan.

Simple lang naman ako noon, walang arte sa katawan, walang bonggang mga damit, walang mamahaling mga sapatos pero ang ipinagmamalaki ko ay yung medyo talino at sipag ko sa klase, slight lang naman hehe.

Habang ako'y naghahanap ng pwesto para magtanggal ng sapatos, umupo ako sa isang bakanteng space malapit sa may hagdan papuntang principal's office nang biglang..

"Pwesto ko jan"

Hindi ako umiimik sa pag-aakalang hindi ako ang kausap at busy ako sa pagtatanggal ng sapatos.

"Jan ako sabi!

Nang iangat ko ang aking mukha, si Mr. Valedictorian. Akala mo kung sinong may ari ng school porket anak ng boss.

Dami kong sinasabi sa isipan ko pero dahil lahat nahihiya sakanya, wala na akong nagawa kundi tumayo at lumipat ng pwesto.

Tinawag ako ni Darlene sa kabilang area, pero pinabalik ako ni Sir dahil may kanya kanya kaming area of assignment .

That was my first encounter with that man.

At dahil Friday the 13th ata yun, hindi nagtapos doon ang kamalasan ko. How did it happen in one row?

Habang ako'y nag-aayos ng mga halamang ililipat sa aming area, bigla akong tumayo dala dala ang isang balde ng tubig nang biglang dumaan sa aking likuran si John Ford, isang bully, ugly and selfish man, siya na ata ang pinaka kinakatakutan sa aming klase.

Nang hindi sinasadya, natapunan ko siya ng maduming tubig, although kaunti lang naman.

"Naku! Sorry po, diko alam na dadaan ka"

Hindi siya umiimik pero bakas sa kanyang mga mata ang galit, nanlilisik na para bang gusto na akong patayin.

"T*nga ka ba? Bulag ka ba"? sabay tulak sa akin sa may damuhan na may kasamang mga pataba (cow's poop)

Ihahagis pa nga sakin yung timba ee, nang biglang may humila sa likuran niya.

"Bro, babae lang ba kaya mong patulan?" sinabayan pa ng sarcastic one sided smile.

Tumigil ang mundo ng lahat, tinginan at bulungan ang mga estudyante.

"Ah! Sila din pala yung mga agaw eksena noong first day of school, dahil na naman sa babae!"sabi ng isang babaeng nakatayo malapit sa aking kinauupuan.

Isa palang outsider si Chris noon, galing siya sa kabilang campus pero dahil binully ni John Ford yung kanyang liniligawan pinuntahan niya ito sa campus namin. Maybe ayun nadin ang reason ba't siya nag transfer dito sa school namin, really? for a girl?.

Oo tama kayo, siya yung babaeng kung makatingin sakin parang sasakalin ako. Akala mo kung aagawin ko yung Chris na yun!

Aba! May sense of sincerity na din pala itong si Chris. Sabagay mas matured siya compared sa amin.

At our age, we are more attracted than in-love, you are more aggressive than sincere. I just realized a lot of things now that I'm adult. Narealize ko din na napaka babaw pala ang mga batang magkagusto noh?

Pero I can't deny yung feeling na excited kang pumasok dahil may kaklase kang gwapo at nasa likuran ko pa, iba yung kaba pag tinitignan niya ako. At iba yung dating pag andyan na siya. Those feelings were so genuine. Nothing compares to that.

But that's all, I don't have any deeper feelings towards him before

Sino bang magkakagusto sa ganung klaseng tao, basagulero, walang pake alam sa pag-aaral.

At ayun na nga, bago pa man sila mag-away ulit, mabuti at nandoon si Sir at napigilan kaagad.

"Thank you!", sabi ko kay Chris sa mahinhin at mahinang boses.

Ofcourse, no response.

Nagpatuloy na lang kami sa aming mga gawain. Pagandahan ng landscape,syempre ako todo effort bilang leader sa aming area while the rest, mga rich kid nakaupo lang naman, paypay dito, paypay doon, yung mga boys na ayaw man lang magbuhat ng balde ng tubig haaaaayss talaga!

Pero totoo, isa yun sa mga ineenjoy kong gawin nung high school, salamat sa aming Agriculture teacher na si Sir Allen, napakagaling magturo ng mga ganung bagay.

Moving forward...... Three months after.

Malapit na nga ang isang big event sa school, everyone was busy lalo na mga teachers, walang nagkaklase at yung iba panay ang practice para sa mga presentations.

I was lying down on my arm chair nang biglang inapproach ako ni Ma'am Toviera saying "Anak isa ka sa mga magrerepresent sa section natin sa recital ha? Maghahanap pa ako ng mga kasama mo, for the meantime basahin mo muna itong script ninyo"

"Okay sige po ma'am" sagot ko, siyempre sobrang saya ko na isa ako sa mga magprepresent, another chance para magpakitang gilas .

Habang abala ako sa pagbabasa sa likurang bahagi ng aming room, doon kasi walang masyadong tao e...

Someone approached me

"Faye, nasayo ba yung script ng recital? Pwede ko ba mahiram?

"Ah! Sige syempre naman, eto oh"

"Wow, inapproach ako ng taong ito" Habang inaabot yung papel kay Khael.

"Matatagalan kaba? Pwedeng pakibalik din agad kasi nagmememorize ako"

"Ikaw ba kung sabay na tayo magmemorize, total nasa iisang section naman tayo, iisa ang irerepresent natin"

Ah siya siguro ang isa sa mga napili ni ma'am.

At dahil iisang script lang kasi ang ibinigay at tinatamad daw siyang ipa photocopy ito, wala akong choice kundi sumama sa kanya.

Kinakabahan ako, kasama kong magmememorize yung Valedictorian naming gwapo pero weird, iniisip ko din baka ipatawag ako sa Principal's office dahil baka ma issue kami.

Habang nasa science lab kami para magmemorize, may mga paparating na estudyante, kabilang na si Darlene at iba ko pang mga kaklase,

Yung iba nagtilian na para bang may kung anong nangyari

"Uuuuuuuuuuyyyyyyy, bakit kayo magkasama dito nang kayo lang?"

Sabay kantyaw ng ilan pa naming mga kaklase.

Agad agad akong lumabas at biglang hinila ni Darlene ang kamay ko sabay sabi

"Bakit kayo magkasama niyan?baka maissue kayo niyan ipatawag ka sa Principal's office, alam mo bang walang ibang kinakausap yan , napaka aloof ng lalakeng yan, ikaw lang ang kinausap niya ng ganyan tapos magkasama pa kayo?"

Hindi nalang ako nakapag salita, tama siya, hindi nga sociable tong lalakeng to dahil sa sobrang talino, napaka weird niya pero bakit siya pa nag approach sakin?

Iniwan ko nalang sa kanya yung script at hinintay na matapos siya.

Friday afternoon at 3:00 pm, makulimlim pero napaka ingay parin ng eskwelahan dahil sa preparation sa Founding Anniversary ng school. Tahimik ako sa aking upuan, mag-isa nagmememorize parin nang biglang may umupo sa likuran ko, yumuko sa kanyang arm chair at parang matutulog nalang kasi hindi abala sa buhay.

Hindi namamalayan ang oras, uwian na pala, sabay ng pagbagsak ng malakas ng ulan at napakalakas na hangin.

Sa tingin ko nasa labas nadin yung sundo namin ni Darlene, ngunit wala pa siya, san kaya nagpunta yung babaeng yun.

Habang hinihintay tumila ang ulan at si Darlene nadin, nakatayo lang ako sa may pintuan habang pinapanuod ang mga batang maligo sa ulan at buhat buhat ang kanilang mga bag sa harapan.

Ang saya talagang maging bata noh?

Biglang may nagbukas ng payong sa aking likuran sabay abot sa akin

"Papasok ka ng walang payong, babae kaba o hindi?"

Dahil sa gulat bigla akong napatingin, that cold, mysterious man, Chris!

Tila ba'y napako ako sa aking kinatatayuan, I'm speechless at nakatingin lang sa kanya habang inaabot ang payong.

Syempre kinuha ko nalang yung payong at bigla na siyang tumakbo sa ulan habang pinapatong ang kanyang bag sa ulo.

Napangiti nalang ako habang pinapanuod siya.Dahil nga mga bata pa kami. Ang isip ko lang noon ay, napakabait naman niya. Walang expectations, walang assumptions. That's it.

Innocent minds but with heart and mind that care for others and of course let's not judge others base from what we are seeing, but let's consider also their inner thoughts and feelings.

Iniisip ko din, kamusta kaya sila ng babaeng liniligawan niya at siyang rason kaya siya nagtransfer ng school? Balita ko kasi hindi interested yung girl sa kanya, isang high profile student din kasi ang gusto niya ee.

Weeks after...

Nakilala namin si Joy, dati ko na siyang nakikita dahil nasa iisang barangay lang kami pero malayo yung area nila. Isang tahimik na babae, everything in her is pure, napaka innocent, no insecurities, just pure youthful thoughts. Sa aming tatlo siya ang pinaka matangkad, pinakamaputi pero ako parin ang pinaka maganda (charoot).

It's what I like about her, she is very warm, napaka jolly niyang kasama, napaka ignorante din hehe.

Well it's year 2009, hindi pa ganun ka modern ang lahat, hindi pa ganun ka advance and lahat. Everything is so natural, walang masyadong gadgets, walang computer games, walang social media, wala ngang LED TV noon e. yung TV naming napaka kapal pa.

That's why our childhood was memorable, we talk a lot personally, lalabas ng bahay sa sabado at linggo magtatambay sa isang kubo sa isang farm, yan ang best bonding namin noon, maliligo sa may batis habang hindi iniisip kung anong oras na.

Uuwi ng alas sais ng gabi dahil bawal ng lumabas lagpas nun.

Sa eskwelahan, ganun parin, focus sa pag-aaral, natatakot pa kami magka jowa noon dahil strict ang parents.

Si Dave, isang transferee, hindi din siya sociable, first impression ko sa kanya, very observable sya sa paligid niya,very cautious sa mga taong lumalapit sa kanya. In short, he really chooses hiscircle of friends carefully, someone real, someone honest and someone you can really rely on

Noong una ,hindi pa ganun kalalim ang friendship naming apat, dahil mas sanay talaga na kami lang dalawa ni Darlene.

But as months passed by, na develop talaga yung friendship na never ako nagkaroon, I met friends and siblings in those three. There were series of misunderstandings but eventually naaayos naman.

We really love each other back then, naranasan kong magkaroon ng comfort and they also helped me get out from my comfort zone, they really supported me kapag may mga presentations and of course we told secrets that we really kept until these days.

Secrets about family, friends and of course our first love?

At dumating na nga ang Foundation Day. Ang lakas ng musika, may mga drum and lyre corpse na sobrang nag-iingay, nakaupo lang ako sa silong ng manga ng biglang sinabi ni Joy "Faye kanina kapa tinitignan ni Chris"

Not so far away sa aking kinauupuan, katapat ng aking kinalalagyan, nakatingin ang isa sa mga pinakagwapong lalake nakita ko sa buong buhay ko, That feeling na alam mong nakatingin siya sayo kaya hindi mo alam kung paano ka magmomove, hiyang-hiya ako. Pero yung mga mata ko gusto lang ding tumitig sa kanya.

Bigla siyang naglakad papalit habang nakatingin, sabay hawi sa kanyang bangs, may dinudukot sa kanyang bulsa. Ayan na nga papalapit na.......

Contents
Contents