Don't forget to Vote! Enjoy Reading!
Protection
AGATHA'S POV
Matapos ng malakas na dabog galing sa front door, biglanghinila ni Alfonso ang kamay ko papuntang Fire Exit
Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa marating kami sa Ground parking lot. Dito pala tinatago ang mga sasakyan ng mga studyante ng St.Jude?
"Sakay!"
Sigaw niya at nagulat ako kaya sumakay nalang ako
"Hold on tight"Sabi niya at hindi pa ako nakapag seatbelt biglang nag maneho na ang kupal na kasama ko
Nagmadali akong mag seatbelt at malakas siyang nag drive papalabas
Teka? St.Michael's to ah?
Napatingin ako sa bintana at naramdaman ang sigla ng school. Ganito ang acquaintance party.
Lumabas kami ng school at nag drive siya papalayo ng school hanggang sa narating kami ng isang park na medyo malayo sa St.Michael's at St.Jude
"You're safe here"Sabi niya
"Hindi ko kailan ng proteksyon mo!"Sabi ko at bumaba sa sasakyan
"You can't go home yet!"Rinig kong sigaw niya
"Makakauwi ako sa ayaw at sa gusto mo!"Sigaw ko at nagpatuloy sa paglalakad
"So you'll leave your cunny cousin behind?"Sabi niya at natigilan ako at tumingin sakaniya
Ngumiti siya saakin at hindi ito normal na ngiti, NAKAKAINIS NA NGITI! Alam niya kung paano ako inisin at kung paano ako pagalitin.. Parang si bruhang maxine lang
"Inaano ba kita?"Tanong ko
"Woah!"Sabi niya at bumaba sa sasakyan at nilapitan ako
"So this is how you act after i save you from those gangs who opened the door?"Sabi niya
"Edi thank you"
"Ganito ka kamaldita sa labas ng school? Is this how you normally act sa St.Michael's? Kaya siguro ka napunta sa St.Jude dahil sa attitude nayan.. subukan mo kaya'ng gamitin yan sa St.Jude"Sabi niya habang umiigting ang panga
"Hindi pero ini-inis mo ako eh! Kanina ka pa sa Library ah!"Sabi ko
Tiningnan niya lang ako at biglang hinawakan ang ulo ko
"Ang liit mo pala no?"Sabi niya at biglang tumawa
Aba gago!
"BAHALA KA NA DIYAN"sabi ko at umalis
"See you next week Agatha!"Sabi niya sa likod ko
Wag na!
Lumakad ako papalayo sa Park hanggang sa napunta ako sa isang 7/11
Kumuha ako ng isang Mogu Mogu at Siopao at umupo muna duon
Kamusta na kaya si Zayn??
Kinuha ko ang cellphone ko at may nakitang message ni Zayn. Binuksan ko ito at isang selfie na kasama sina David.
Nakapag selfie pa sila sa sitwasyon nila ngayon?
:After that deadly Acquaintance party samahan mo ako sa 7/11 malapit sa park na dating pinupuntahan niyo ni maxine.
Ibinababa ko cellphone ko at kumain ng siopao ko. Ligtas naman siguro si Zayn
Habang kumakain ako may isang lalakeng pumasok sa 7/11.. Parehas kami ng Uniform.
May sugat siya..
Tumingin ito saakin at umiwas ako ng tingin..
Kumain lang ako ng kumain ng biglang may umupo sa same table ko "Agatha right?"Tanong niya and i nodded
"Cain Reinhardt Garrido, classmate tayo"
Tulala lang ako sa mga sugat niya sa muka at dugo niya sa uniform. I guessed he noticed that.
"Ay ito ba? Di masakit wag kang mag alala"Sabi niya at nilagyan ng band aid mga sugat niya at pinunasan ang dugo na nasa uniform niya
"Paano ka nakatakas?"Tanong ko and he smiled
"Nag over the bakod, ikaw? Balita ko itinago ka daw sa Library.. maraming nag hahanap sayo, tapos yung pinsan mo? Ayun sinuntok yung humawak kay vp"Sabi niya habang umiinom ng mogu mogu KO
Kapal din ng mukha!
"Pumatay ka ba?"Tanong ko at natigilan siya at ngumiti
"Killing is not allowed sa school that's a big crime!"Sabi niya
Buti alam mo
"Bakit napadpad ka sa St.Jude?"Tanong ko
"My dad is a drug dealer"
Ah kaya pala laging nakangiti, baka pareho sa tatay.. naka High
"Anyway babalik pa ako sa school ikaw ba?"Tanong nito
"See you next week."Sabi ko tumingin sa labas
"Alright, Sasabihin ko nalang kay Zayn nandito ka"Sabi nito at umalis
Weirdos
Ilang oras akong nag hintay hanggang sa mag 12pm
Tagal
May biglang pamilyar na tao ang pumasok sa 7/11 kaso..Andaming sugat..
"AJ?.. AJ!"Â Tawag nito at biglang niyakap ako
"Andami mong sugat.."Bulong ko
"Wala yan, may pinoprotektahan kasi akong babae.. nakatakas siya sa pagiging rape victim.."Sabi niya at mas lumawak ang pagka ngiti
Napaka protective..
Bumili ako ng mga band aid, cotton at alcohol para ipunas sa mga sugat ni zayn.. di pwedeng uuwi to ng ganito
"Sabihin mo kay tita nadapa ka habang nag lalaro ng basketball"Sabi ko at tumango siya
"Patas na tayo"Sabi niya at tumingin ako sakaniya "Ikaw mag gagamot, ako yung mag pro-protekta. Ayaw mo yun? Warrior and Healer? HAHAHAHA"Pabiro pa niya
Nawalan na talaga siya ng bait eh no?
Pero I'm happy to have him by my side..