Day 1
AGATHA'S POV
Nag commute lang kami ni Zayn papunta sa St.Jude at baka ma carnap or mapano ba ang sasakyan kung dadalhin namin sa malapit ang sasakyan na yun.
"WELCOME TO ST.JUDE ACADEMY!"
Academy? Di'ba University to? Bakit Academy?
"You must be wondering bakit academy? Am i right?"
Nababasa niya ba isipan ko?
"Actually University talaga to, kaso mas maganda pakinggan kung Academy eh! Kaya academy nalang.. bare with me!"Sabi niya at biglang natawa
Nagkatinginan naman kami ni zayn at alam kong na weirdo-han din siya sa babaeng kaharap namin ngayon. Sino ba to?
"I'm Madame Lucy Fernanda Ruiz-Villegas, just call me madame Lucy.. I'm the owner and the headmaster of this school"Sabi niya habang naka upo si swivel chair niya
She looks.. like a bitch.
"I believe that you have big offenses sa St.Michaels kaya ipinadala kayo dito? Hays! That crazy old Jeremiah, he's stupid you know?"Sabi pa nito
Napahawak ako sa kamay ni Zayn dahil na we-weirdohan na talaga ako sa kaharap namin.. Headmaster or Dean ba talaga to?
"Anyway, i know that you know that this school is consider as crime school. Dahil sa mga anak ng dilim o anak ng mga kriminal sa bansa.. but not to worry! You are safe here! Wag lang kayong mag hanap ng ikakagalit ko.."Sabi niya at ngumiti saamin
She's freaking me out!
"Here's your schedules and classroom.. Hindi na kami nag abala na ihiwalay kayo, you guys look cute but in the end alam kong maging madilim din ang mga paningin niyo"Sabi niya at tiningnan ako na parang may masamang balak
"Th-thank you po"Sabi ni Zayn at sabay na kaming umalis sa office ng headmaster
Huminga ako ng malalim pagka labas at napatingin kay Zayn na parang takot na takot din.
"Parang magiging extra-protective siguro ako sayo ngayon AJ.."Sabi ni Zayn
"Kaya k-ko sarili ko.."Sabi ko habang humihinga ng malalim
Parang hinahawakan ng aura ng school nato ang leeg ko, hindi ako makapag hinga ng maluwag..
Hinanap namin ang classroom hanggang saâ
"FUCK! WATCH WHERE YOU'RE
GOIâ"
"Sorry!"Sabi ko sakaniya at natigilan ako sa apilyedo niya sa ID
Megomi?
Napatingin ako kung sino kaso.. familiar lang eh..hindi ko kilala
"AJ! Nakita ko na"Biglang sulpot ni Zayn
"Why are you here?"Biglang tanong ng lalaki
"Leave her alone Zander.. she's new"Sabi ng magandang babae na katabi ng lalakeng naka bangga ko
"I can see that Alex.. I'm just wondering bakit may isang kuneho na napunta sa kaharian ng mga demonyo"Sabi niya at tiningnan ang ID ko
"Agatha Joaquin O. Adréaz"
"Section: Nightingale"
Napatingin ito muli saakin at umalis kasama nadin ang babae na katabi nito
PUTA! kinabahan ako dun!
"Okay ka lang? Sino yun?"Tanong ni Zayn
"Nabangga ko siya, diko kilala pero nag sorry naman din ako"Sabi ko at napatango si Zayn saakin at hinawakan muli ang kamay ko at pumasok sa isang room
Damn! This aura is choking me!
"Sino sila?"
"Mga bago?"
"Lol they're trapped!"
Napatingin ako sa kung saan at biglang may pumasok na teacher, natigilan kaming dalawa ni zayn dahil kamukhang kamukha ni Sir Vic ang pumasok
"I'm sorry im late claâ mr.Valdez? Ms.Adréaz? Oh right! Transferees!"Sabi pa nito
"Settle down section Nightingale!"Sigaw nito
"Anyway I'm your adviser Dein James Vic you can call me Sir Dein"Sabi niya
Dein? Sir Dein? O sir Dave Vic? Kamukhang kamukha eh! Parang dito ko mabubuhos kagalitan ko sa lokong Dean nayun! Kamukha eh! Pwede na siguro
"Introduce yourselves to the class please"Sabi pa nito at na una na si Zayn sa pagpapakilala
"Goodmorning everyone! I'm Zayn Matthew Valdez, 18 years old and from St.Michael's University"
Nagpalak pakan naman ang mga studyante at sumunod ako
"Agatha Joaquin Adréaz, 17 and from St.Michael's University"
Nagpalak pakan silang lahat at tinuro naman ng adviser namin kung saan kami uupo. Nasa tabi ako ng bintana kung saan ko makikita ang magandang view ng St.Michael at si Zayn naman ay may katabing babae na nasa likod ng classroom.
"It's nice to see that our classroom is complete! Walang absent! 20 students lahat! Let's start the attendance parin shall we?"Sabi ni sir Dein
"Lalake muna.."
"Alvarez?" "Present!"
"Avenido?" "Present!"
"Avad?" "Present!"
"Cadenza?" Tumaas lang siya ng kamay habang nag se-cellphone
"Keep your phone inside your bag Mr.Cadenza"Sabi ng adviser kaso di parin nakinig ang katabi ko at patuloy parin sa pag ce-cellphone
"Evangelista?" "present sir!"
"Glad to see you again Evangelista, how was the athlationship?" "Good sir!"
"Fernandez?" "Present"
"Garrido?" "Sir"
Nagpatuloy ang pag attendance hanggang sa matapos ang pag tatawag, syempre wala pa kami ni Zayn sa attendance dahil bago lang kami dito
Nag simula na si sir ng pag turo at itinago na ng katabi ko ang cellphone niya kaso..biglang natulog
Wala ba siyang pake sa grades niya?? Ay Oo nga pala, this school is weird and so as their headmaster hindi na ako mag tatanong kung pati students dito walang pake or weirdo rin
Except sa lalakeng naka bangga ko kanina, He's scary.. ramdam ko ang pag taas ng balahibo ko ng sabihin niya ang full name ko
Habang nag tuturo si sir may biglang may kumuhit sa likod ko at napatingin ako kung sino
"Agatha right? I'm Talisha Cristia Maximille you can call me isha or tali"Sabi niya at ngumiti saakin
"AJ nalang para madali"Sabi ko and she nodded
"Ms.Maximille please do not distract the new student"Rinig naming tawag ni sir
"I apologize sir Dein"she said and tumango lang si sir at binigyan ako ng maliit na pirasong papel ni Talisha
Sabay tayo mamaya sa canteen, isama mo si Zayn ;D !
Tumingin ako kay zayn na tila gustong maki alam ano ang ibinigay at sinabi ni Talisha saakin, ngumiti ako sakaniya para makita niyang okay lang at hindi nakakasama ang sinabi nito.
Natapos ang tatlong subject at Lunch na rin! Sinamahan kami ni Talisha na pumunta sa Cafeteria 1 at para mag lunch.
"We have good foods here! Don't worry edible silang lahat"Sabi niya at bumili ng isang tuna pie at binigyan kaming dalawa ni Zayn
"Libre ko na yan don't worry! Order pa kayo baka nagugutom kayo, Lunch is 1hr din naman eh"Sabi niya
Tumingin ako kay Zayn na tila naiilang sa mga pagkain. "Isang Chicken Adobo nga po, yung walang atay"Sabi ni Zayn at binayaran ang pagkain
"Share lang tayo"Bulong nito saakin at tumango naman ako
Umupo kami sa iisang lamesa kasama si Talisha. Andami niyang alam sa school nato halatang matagal na siya dito.
"So yeah mag ka ano ano ba kayo?"Tanong ni talisha saamin
"Mag pinsan, magkapatid ang mga lola namin"Sabi ko and she nodded
"Ah kaya pala, may pagkahawig din kayo pero mas kahawig mo ata si Zander eh"Sabi niya at kinagat ang tuna pie
"Zander? Sinong Zander?"Tanong ko
"Ayun!"Sabi niya sabay turo sa isang lamesa na may mag barkada, mas tinuro niya pa yung isang lalakeng tahimik lang ngunit nag babantay sa paligid niya.
Teka.. siya yung nakabangga ko kanina!
"Siya si Zander Sceres Megomi, Senior natin" Sabi niya tumango ako at suddenly tumingin siya saamin, umiwas kaagad ako ng tingin at kinuha ang cellphone ko
Nakaka takot pa rin siyang tingnan!
"By the way, i noticed naiilang ka yata sa katabi mo kanina?"Tanong ni talisha kay Zayn
"Ah ako ba? Hindi naman.."Sabi niya at kumain
"Kilala mo na katabi mo?"Tanong niya
"Hindi"Dagdag ni Zayn
"Siya si Maria Faye Fernandez magaling siya sa math kaya swerte ka, nagpapakopya din siya kapag mabait ka. She's also our Class Vice president"Sabi niya
1st day parang normal lang na paaralan. Pero alam kong hindi
"Eh yung katabi ni AJ? Sino yun?"Tanong ni Zayn
"Ah he's our class president and our Top 1, he's has the highest grade sa lahat ng grade level natin, madamot siya ng mga sagot kaya saakin kanalang mangopya Agatha"Sabi niya and i smiled
"Eh sino nga?"Tanong ulit ni Zayn
"Erm.. ayaw niyang ipinipakilala siya eh, mas gusto niyang siya mismo ang magsasabi kung sino siya at kung ano siya. It's best to say wag niyo nalang alamin, napaka bossy eh"Sabi niya at uminom ng tubig
Nabahala ako at napatingin naman ako kay Zayn na alam kong nababahala din para saakin, ayokong mast-stress siya sa pag aalaga at pag pro-protekta saakin sa paaralan nato.
I should be strong