Emerald Jade
Siya ang mommy ni Daryl?
"A-Are you okay?" she asked, worriedly.
Hindi ako makagalaw dahil sa gulat. Baka nasabi na ni Daryl sa kaniya iyong nangyari kahapon! Baka sabihin pa niya sa mommy ko edi lagot ako?
"Y-yes. I'm okay. I'm sorry but... I think I need to go. I'm already late for my class."
She smiled. "Sabay na tayo."
My lips parted. Napatango na lamang ako. I'm freaking nervous! Baka bigla na lang niya akong sampalin dahil sa ginawa ko sa anak niya! Obvious naman na spoiled brat ang lalaking 'yon! Siguradong nagsumbong na siya rito! Maybe that's the reason why this woman beside me is here!
"I just wanna ask, paano mo nakilala ang anak ko?"
"I'm his new classmate," simpleng sagot ko para hindi mahalata na kinakabahan.
She stopped walking as if she remembered something.
"You're the one who punched him?!" gulat na tanong niya.
Dahan-dahan akong tumango.
Nasaan na ang tapang ko? Naiwan yata sa bahay.
Lord, please don't let this woman slap me.
She smiled. "Wow, it was nice meeting you!"
Eh?
I thought she's going to slap me because of what I did. But look at her, she looks so happy when she knew I'm the one who punched his son.
Dumiretso na kami sa classroom. Sa kabilang hagdan kami dumaan dahil nandoon pa ang mga kalat kanina. Nakakadiri tingnan. It's already break time, pero wala akong ganang kumain.
"Jack!" tawag niya sa anak. Nandito pa rin ako sa tabi niya. Hindi ako makaalis dahil hawak-hawak niya ang braso ko.
Lumabas naman si Daryl na as usual, masama ang tingin sa akin. Ang gulo nitong lalaking 'to. Umirap ako.
"Don't give her that look!" his mom said.
"Why are you with her?" inis na tanong ni Daryl sa nanay niya.
Nameywang ang babae. Masama ang tingin niya sa anak. "Why did you do that to her?"
"Because she punched me!"
"I already know that she's the one who punched you, and please lang Jack tigilan mo na siya. Babae siya, hindi siya dapat sinasaktan! For sure, she has a reason why she did that. Right, hija?" She said and after that, she looked at me.
"Binato niya po ako ng bola tapos natamaan ako sa ulo. Sa sobrang lakas nung tama, nadapa po ako sa sahig tapos dumugo po 'yung ilong ko." Mukha tuloy akong batang inaway na nagsusumbong sa nanay.
"See? It's your fault naman pala!"
"Mom, sino ba talaga sa amin ang anak mo?" pagmamaktol niya. Inirapan naman siya ng mommy niya.
She looked at me again. "May dinner nga pala tayo, right? Alam mo na ba 'yon?"
"Yes po."
"So, kita na lang tayo sa Saturday?"
Tumango ako.
"Kapag may ginawa ka pa sa kaniya, lagot ka sa 'kin," warning niya sa anak.
Nang makaalis na ang babae ay ibinalik ko ang tingin kay Daryl. Pinigilan ko ang matawa dahil parang gusto na niya akong patayin base sa tingin niya.
"We're not yet done," ani niya at pumasok na ulit sa loob.
Mukhang tapos na silang kumain o baka hindi pa sila kumakain. Kumpleto na kasi sila rito sa loob. Dumiretso na ako sa upuan ko.
"Jade, sorry. Hindi ko sila kayang pigilan, e," Austin whispered to me and I can see the sincerity in his eyes.
Tinanguan ko lamang siya.
'Yong galit na nararamdaman ko ngayon ay habang-buhay ko atang dadalhin sa dibdib ko. Ito ang unang beses na may gumawa no'n sa akin at hindi man lang ako makaganti!
Lumipas ang oras at pauwi na ako ngayon sa bahay. Wala ngang ginawa si Daryl sa akin. Ni hindi niya nga ako tinatapunan ng tingin kanina. Kahit 'yung ibang mga kumag ay tahimik lang din na akala mo'y may anghel na nakabantay sa bawat galaw nila.
Sana laging ganoon para walang gulo.
"Sasabihin mo ba kay mommy?" Jake suddenly asked.
"No," mabilis na sagot ko.
'Yung nangyari kanina ang tinutukoy niya. Ayaw kong malaman pa ni mommy 'yon at baka bigla pa siyang sumugod sa school. Ayaw ko rin na malaman niyang nasa last section ako dahil alam kong hindi niya matatanggap 'yon.
"She deserves to know. Baka ilipat ka na niya kapag nalaman niya 'yon," sabi pa niya.
Gusto niya ba talaga akong paalisin doon sa school na 'yon? Grabe. Sana man lang ay itago niya ang pagkadisgusto niya sa akin kahit minsan. Masyado niyang pinapamukha.
Isang linggo na lang naman. Isang linggo na lang at makukuha ko na 'yong kotse kong nasa Pampanga. Pinapakuha ko na iyon kay kuya. Nakakabwisit kasabay sa kotse 'tong si Jake, ang sarap niyang sampalin. Buti na nga lang at hindi na kami masyadong nag-aaway.
"At saan naman niya ako ililipat? Sa New Zealand? Hindi na rin, 'no! Pagtitiisan ko na lang 'yung mga kaklase kong 'yon!"
Iniisip ko pa kung paano ko gagantihan si Daryl nang hindi malalaman ni mommy dahil pakiramdam ko ay hindi ako makakatulog nang ayos hangga't hindi ko nagagantihan ang lalaking 'yon!
Should I use his mom? Mukha namang sa akin kakampi ang mommy niya, e.
Mabilis na lumipas ang araw. Friday na. Ang alam ko ay mga quiz ngayon. Buti na lang at nakahabol ako sa mga lesson nila, may maisasagot ako sa quiz.
Ang dinner kasama ang pamilya nina Daryl ay hindi natuloy. Babaguhin ata ng schedule dahil naging busy sila bigla.
At hanggang ngayon ay hindi ako ginugulo ng mga kumag kong kaklase. Takot pala sila sa nanay ni Daryl, e.
Sa tingin ko ay ka-close ko na si Austin. Walang ibang kumakausap sa akin bukod sa kaniya. Kaya lang minsan ay nonsense siyang kausap. Bigla-bigla siyang nagtatanong ng kung ano-ano tungkol sa buhay ko.
"Jade, may pagkain ka bang dala?" tanong ni Austin kaya napatigil ako sa pagbabasa ng notes ko.
Kumunot ang noo ko. Hindi ba siya nabubusog? Kanina pa siya kain nang kain!
"Wala! Baka naman sumabog na 'yang tiyan mo! Kain ka nang kain, hindi ka ba nabubusog?!" inis na tanong ko.
Tuwing makikita niya ako ay pagkain ata ang unang pumapasok sa utak niya. Mukha ba akong factory ng pagkain?
"Masanay ka na riyan, ganiyan siya lagi. May alaga ata 'yan sa tiyan at hindi nabubusog," biglang sabat ng lalaking katabi ko rin. Hindi ko alam ang pangalan niya.
"What's your name?" I asked, nagulat pa siya dahil doon. Masama na bang magtanong ng pangalan ngayon?
He smiled. His deep dimples are showing. "I'm Kian. Kian Alvarez, ma'am." Nag-salute pa siya sa akin at kumindat.
Damn, he's handsome.
Wait. Siya iyong ex ng kaibigan ko!
"Ah... kilala mo ba si..." Tumigil ako, nagdadalawang-isip kung itatanong ko pa ba o mas tamang huwag na lang.
"Sino?" he asked as he faced me. He looks interested in my question.
"Si Dianne?" pagtutuloy ko sa tanong ko. The interested look on his face faded. Bumalik na sa dati 'yung expression niya. Seryoso na siya ulit.
"She's my ex," he answered with his cold voice.
Tumahimik na lang ulit ako dahil halata namang ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Dianne.
Bakit kaya?
"The results of your quizzes will be given tomorrow," our last teacher said before leaving us.
This day is too tiring. I decided to meet my friend. Si Dianne. Medyo curious ako sa relasyon nilang dalawa ni Kian.
Hinanap ko ang pangalan ni Dianne sa contacts ko. Hindi ko binubura ang number nila... sa hindi ko malamang dahilan.
"Starbucks tayo," mabilis kong sabi nang sagutin na niya ang tawag.
[You still have my number?] she asked. Ang mahinhin niyang boses ay pamilyar na pamilyar sa akin.
Why do I feel like I miss her?
I laughed a little. "Yeah, obviously."
I heard her laugh on the line. [Wait mo 'ko. On the way na.]
"Ikaw lang mag-isa, ha," paalala ko. Baka magulat na lang ako at may kasama na siyang iba, e.
[Yes, don't worry. Hindi na rin naman kami masyadong nag-uusap.]
I ended the call.
Kasabay ko pa rin si Jake. Tahimik lang kami. Walang may balak magsalita. Ayaw talaga naming kausap ang isa't isa. Ilang taon na kaming ganito. Ang pinagkaiba lang, dati ay kahit maliit na bagay ay pinag-aawayan namin. Kaunting magdikit kami ay away na agad ang patutunguhan. Ngayon naman, tahimik na lang. Wala nang masyadong away. Katahimikan na lang.
Bumuntonghininga ako. "Ihatid mo ako sa Starbucks. Mag-taxi na lang ako pauwi."
Mabilis na kumunot ang noo niya. "Ano namang gagawin mo roon? H'wag mong sabihing may bagong lalaki ka na naman?"
Napasinghap ako. "Huh? Anong lalaki? Sira ba ulo mo? Si Dianne ang kikitain ko! Tamang hinala ka na naman."
"Hoy! Iba-ibang lalaki ang nakikita kong kasama mo noon! Sa Strabucks. Sa Mall. Sa mga restaurant d'yan! Malamang iisipin kong lalaki ang kikitain mo!" sigaw niya pa habang nakatingin sa daan. Hindi siya makatingin sa akin dahil nag-iingat pa rin siya sa pagda-drive.
Nang mapansin kong papunta sa Starbucks ang daan na tinatahak namin ay hindi na ako nagsalita. Kapag nagsalita pa ako ay baka biglang magbago ang takbo ng isip niya at pagbawalan pa akong pumunta sa Starbucks. Malapit na rin kasing mag 6 p.m. Bawal akong magpagabi at baka magsumbong pa siya kay mommy o kaya kay kuya. Mali-mali pa naman magsumbong ang isang 'to!
Dati kasi noong nagpunta ako sa bahay ng kaklase ko para gumawa ng project ay na-late ako ng uwi. Nagulat na lang ako noong pag-uwi ko dahil ang sinabi niya kay kuya ay sa bar daw ako nanggaling! Nagparty-party raw ako kaya ang ending? Grounded. Tuwang-tuwa pa siya noon!
"We're here. Just make sure you'll be home before 8," paalala niya at kung hindi hindi kami magkagalit? Iisipin kong protective siya sa akin!
"Okay," maikling sagot ko at bumaba na.
Nauna pa sa akin si Dianne. Naka-order na rin siya. Napanguso ako para itago ang ngiti. Alam pa rin niya ang favorite ko.
"Hey," I greeted.
"Hi. I already ordered your favorite." She smiled.
"Thank you." Ngumiti ako at naghila na ng upuan.
"Why did you want to meet me? May problem ka ba?" she asked me, worriedly.
"Wala, 'no!" I sipped on my coffee. "Anyway, I am curious about your past relationship with my classmate." Nagulat siya pero ngumiti rin agad.
"You haven't changed, Emerald!" Tumawa siya. "Fire your questions."
"Bakit kayo naghiwalay?" tanong ko agad.
Napanguso siya. "Babaero kasi!" Bakas ang inis sa boses niya. "Nahuhuli ko siyang may kasamang ibang babae. Not just once, Emerald! I caught him many times! I tried to convince myself that it was not him because I love him. God... I love him so damn much." She looked down.
Akala ko naman ay mabait ang lalaking 'yon! Naiinis na ako sa kaniya ngayon! Hindi porke't gwapo siya ay pwede na niyang gawin 'yon kay Dianne, 'no!
"Gosh. That's nakakainis, ha!"
Natawa siya. "Hayaan mo na. Wala naman na akong pakialam do'n."
"Don't fool me, I know you still love him. That's what your eyes say, Dianne."
Dianne's eyes is very expressive. Siya iyong tao na hindi sinasabi ang nararamdaman niya dahil hindi niya alam kung paano sasabihin ito kaya ang mga mata niya na lamang ang nagsasabi ng nararamdaman niya.
"Kinakausap mo na ako ulit. Bawal na ba makipag-friends sa 'yo?" pabirong tanong niya pero alam kong hindi biro 'yon.
Gusto ko naman siyang maging kaibigan ulit. Aaminin ko nga, nagseselos ako kapag nakikita ko siyang masaya kasama ang mga bago niyang kaibigan. Minsan naiisip ko, ako dapat 'yan, ako dapat ang kasama niya.
Kaibigan ko siya simula elementary. Masyado akong na-attached sa kaniya- sa kanila kaya nahirapan akong mag-adjust noong nagkahiwa-hiwalay kami.
"Syempre ikaw 'yan, e! Pwedeng-pwedeng, 'no! Nami-miss nga kita, e," nakangusong sabi ko kaya natawa siya.
I stared at her face. The face of my innocent friend. Kita ko sa mga mata niya ang kasiyahan.
"Thank you," her voice broke which made me alert.
What the? Is she crying? Tears of... joy?
"Hey! Don't cry!"
Mabilis niyang pinunasan ang mukha niya at ngumiti sa akin. "I'm sorry. I'm just... I'm just too happy."
Bumukas ang cellphone ko at ang message agad ni Jake ang bumungad sa akin. Napabuntonghininga na lamang ako.
"Kailangan ko nang umuwi," mahinang sabi ko dahil ayaw ko pang umalis! Pero kailangan ko nang umuwi dahil sigurado akong sasaraduhan ako ng gate ng lalaking 'yon!
"Hatid na kita," she said and was about to get up but I stopped her.
"H'wag na. Gagabihin ka lalo ng uwi." I gave her an assuring smile so she won't insist to drive me home.
Nagulat ako nang bigla siyang tumakbo palapit sa akin para yakapin ako... ng mahigpit.
"I missed you, Jade."