Chapter 5: Kabanata 03

The Only GirlWords: 13831

Jack Daryl

Anong oras na pero wala pa rin si Mrs. Sanchez. May balak pa bang magturo 'yon? Basta section namin palagi siyang late. Kahit na hindi nila gusto na turuan kami ay dapat itrato pa rin nila kaming estudyante katulad ng pag-trato nila sa iba.

"Oy, Jack!" tawag sa akin ni Austin na parang batang nawawala. Pagkain na naman ang kailangan niyan.

"Wala ka na bang pagkain d'yan?" nakangusong tanong niya.

Sabi na, e.

"Wala na! Inubos mo na!"

Tang'nang to, almusal ko sana 'yon pero siya na ang kumain. Hindi man lang nagtira.

Lupet din!

Natahimik kami saglit nang mapansin namin na bumukas na ang pinto. Umayos na kami ng upo at baka mapagalitan pa. Mahirap na, graduating pa naman.

"Good morning, class!"

"Good moaning, ma'am!"

Napailing na lang ako sa naging tugon nila kay ma'am. Minsan ay hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nila. Wala ata sa isip nila na malapit na kaming umalis sa school na 'to.

Natahimik ang lahat nang makarinig kami ng tumatawa sa labas. Tumingin ako agad kay Hendrix. Siya naman nagkibit-balikat lang, ibig-sabihin ay wala rin siyang alam. May bago na naman ba?

Napahawak ako sa tainga ko dahil pakiramdam ko ay sumasakit ito dahil nakakainis ang tawa nung babae. Para bang nang-aasar!

Who the hell is she?

Hindi kami umalis sa upuan namin pero sumilip kami sa labas. Tumigil siya sa pagtawa nang mapansin niya na nakatingin kami.

"Ms. Fernandez, pwede ka nang pumasok."

Fernandez?

Pumasok na siya sa loob at hindi na siya natawa ngayon.

Pagkatapos tumawa, ngayon seryoso na? Baliw ba 'to? Napailing na lang ako. May dadagdag na ata sa mga baliw kong kaklase— Nah! Aalis din 'to. Mapapaalis ko rin 'to.

She looked around and her naturally red lips started to part.

"I... I'm the only girl here?!"

Obvious ba?

"Ah, yes. Nagulat din ako kung bakit dito ka napunta. Can we talk outside?"

Rinig kong sabi ni Ma'am. For sure mag-o-offer lang 'yan na ilipat sa ibang section ang babae lalo na't alam niyang mayaman ito.

Halatang anak mayaman, e. Maputi, makinis, matangkad, sexy at higit sa lahat maganda siya— what the?

Mas maganda pa rin si Mia.

Dire-diretso siyang pumasok sa loob, dahil iisa lang naman ang vacant seat, wala siyang choice kundi doon umupo. Sa gitna pa naman iyon.

Dumating na si Mrs. Cornelia. History teacher namin.

"Anong plano natin sa kaniya?" tanong sa akin ni Harry habang pasimpleng tinitignan ang babae.

"Oo nga. Paaalisin din natin?" dugtong ni Ivan.

"Pahihirapan para kusang umalis?" Shawn gave us a sly smirk.

"'Wag na nating paalisin. Sayang naman s'ya o. Ganda ng katawan." Napangiwi ako. Type niya talaga iyong magaganda ang katawan.

"Pati mukha maganda," dagdag ni Calyx sa sinabi ni Alexis.

Hindi ko alam kung naririnig ba ni Fernandez ang mga sinasabi nila.

Hanggang matapos ang klase ay iyon ang usapan namin. Hindi sila mapakali na may babae rito— lalo na ako!

Ayaw namin na may babae dito sa section namin, lalo na kung maaarte. Hindi sila bagay dito. Si Mia pwede pa.

May mga napunta na dito, pinagti-trip-an namin kaya mga umalis. Lumipat ng section ang iba. Lumipat naman ng school iyong mga babaeng hindi na talaga kinaya. Ewan ko ba, hindi naman ganoon kalala ang mga ginagawa namin sa kanila pero mga nag-iiyakan na agad nasa simula pa lang.

Half day kami ngayon kaya naman naghahanda na siya sa paglabas.

"Stick to the plan, paaalisin natin s'ya rito. Baka nga kusa pa siyang umalis, e," sabi ko na nakapagpatigil sa kaniya. Pinarinig ko talaga 'yon para naman aware siya.

Kumunot ang noo ko nang irapan niya lamang ako. Umakto naman na parang nagulat ang mga kaklase ko habang may mapang-asar na ngiti sa akin.

Lumabas na rin ako. Hinanap ng mata ko si Mia pero wala na siya, nakauwi na siguro. Si Fernandez naman ang sunod na hinanap ko.

Oh, there she is. I think naghihintay siya ng taxi. She's rich, 'di niya ba afford ang mag-hire ng taga-sundo?

Nakita kong may tubig sa tapat ng waiting shed. Dahil sa ulan 'yan.

Pinaharurot ko naman ang kotse ko dahil dadaan ako sa harap niya.

Dadaan lang sana ako pero naisipan kong tumigil saglit.

"Oh, my god!" inis na tili niya.

She's... wet.

I smirked. "Sorry?" Ngumiti ako. "Sinasadya."

"Fuck you! Mabangga ka sana!"

Rinig ko pang sigaw niya. Napailing na lamang ako habang pinapanood siyang mainis doon.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. May inihanda raw kasing prank ang mga kaklase ko at nangunguna roon si Harry.

"Ayan! Ayan na si Fernandez!" sigaw ni Shawn kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Paano kung malakas pala ang pandinig ng babaeng 'yon? Edi narinig niya si Shawn? Tss.

Tiningnan ko na iyong itinuro niya. There she is... I think she's arguing with Andrei.

"Nalaman ko kahapon na magkapatid silang dalawa," sabi ni Hendrix habang pinapanood ang dalawa.

Ano kaya ang pinag-aawayan nila? Hindi namin rinig dahil malayo kami.

"Halata namang magkapatid. Pareho sila ng apelyido, bobo mo naman," pambabara ni Ivan, ang isa sa half-half naming kaklase.

"Hindi lahat ng magka-apelyido ay magkapatid, merong mag-pinsan, bobo!" sagot naman ni Hendrix. Hindi agad nakasagot si Ivan.

Tsk, maliit na bagay pinapalaki pa.

"Mukhang hindi maganda ang relasyon nilang dalawa," komento ni Alexis habang may lamang pagkain ang bibig.

Tumango naman ako, halata naman. Sa tinginan pa lang ng dalawang iyon ay mahahalata na agad na hindi sila magkasundo. Ang tanong ay... bakit? Bakit hindi sila okay?

"Ayan na! Paakyat na!" sigaw ko sa kanila. Agad naman silang tumakbo sa loob ng classroom at nilagay 'yung timba na maliit na may lamang pintura.

Fourth floor pa 'tong room namin kaya paniguradong maya-maya pa makakadating dito 'yon.

"Already settled!" natutuwang sabi ni Harry.

Tumahimik ang lahat nang makarating na siya.

I was about to say something but my eyes noticed hers. Para itong malungkot pero nang tumingin siya sa amin ay nawala rin iyon. Inis naman ang nakikita ko sa mga mata niya.

She was about to get inside but she stopped as if she noticed something. At mas naging suspicious pang tingnan dahil nakatingin kaming lahat sa kaniya!

This is stupid!

"Seriously, Mr. President? It's too obvious."

What the fuck?

Bwisit! Mas sanay kaming manapak kaysa mang-prank. Sino ba kasing nakaisip na gawin 'to?

"What do you mean?" Kumunot ang noo ko saglit, "Ba't ayaw mo pang pumasok? Dadating na si Mrs. Sanchez," sabi ko kahit na parang alam na alam na niya na may mangyayari once na buksan niya ang pinto.

Masyado bang obvious o matalino lang talaga siya? Or, maybe she used to do this thing on her former school. Siguradong may mga kalokohan 'to sa dati niyang school. Walang matinong napupunta sa section na 'to.

Matamis niya akong nginitian na nakapagpatigil sa akin saglit. Why does her smile looks familiar?

"You go first," nakangiti pa rin na sabi niya.

Kinuha ko ang pagkain na hawak ni Alexis at ipinakita sa kaniya. "Foods are not allowed inside the classroom." I smiled... sweetly, just like what she did. Nakita ko naman na medyo napairap siya.

Napatingin naman siya sa left side niya kaya naman tumingin din ako roon. Ganoon din ang ginawa ng mga kaklase ko. Tumingin din sila.

Si Mia.

Still beautiful. I wonder why she chose that fucking Andrei over me. Mas gwapo naman ako at mas mayaman din! Ano pang kulang sa 'kin?

"Miss? Pwedeng pakibukas ng ayos 'tong pinto? I can't open it. Hindi ko magalaw ang kamay ko."

Wow. Nice reason. Ang galing.

Dalawa kaya ang kamay niya. Hindi niya ba naisip 'yon? Akala ko pa naman ay napaka-talino niya.

"O... kay."

What? Bobo ba siya?

Mabilis kong binitawan ang pagkaing hawak nang gumalaw na siya para buksan ang pinto. I tried stopping her but it was too late. Pati tuloy ako ay nalagyan na ng pintura.

My fist formed. Tumingin ako sa babae ngunit hindi man lang ito natinag. Seriously? Ano bang kailangan kong gawin para matakot 'to sa 'kin?!

"Oh, my... Girl, are you okay?" she asked Mia worriedly. Tinulak niya pa ako.

"Seriously, Jade? I'm not okay!" galit na sigaw ni Mia at binato ang panyo sa kaniya. Hindi na ako nakalapit dahil nag-walk-out na siya.

Hindi nakawala sa pandinig ko ang sinabi ni Mia.

Kilala niya ang babaeng 'to?

Naglabasan naman ang mga kaklase ko at nag-tulong-tulong sila na tanggalin ang pinturang natapon sa akin. Hindi ko sila pinansin at tumingin lang sa babaeng nasa harap ko.

"Why did you do that?" tanong ko, pilit na kumakalma.

Hindi ko pa nga nakakausap si Mia pero mukhang lalong nadagdagan ang pagkadisgusto niya sa section namin.

"Alam mo naman pala na may pinturang nakalagay doon sa taas ng pinto, bakit pinabuksan mo pa kay Mia?!"

I was about to walk towards her when all of us heard a familiar voice calling her name.

"Emerald Jade!"

Lihim na napairap ako. Si Andrei.

So, Emerald Jade is her name, huh?

"What?"

I stared at her face. Nababaliw na ba ako o sadyang parang pagod na siyang makarinig pa ng kahit anong ingay?

"Tell me... Ikaw ba ang gumawa no'n kay Mia?!"

Ramdam ko ang pagiging madiin ng hawak niya sa braso ng kapatid. Kumunot na ang noo ko dahil doon.

Nagtatanong pero kung magtanong ay halatang sinisisi na ang kapatid. Ang galing.

"That's not my fault. I'm not the one who put that freaking paint on the door! Why are you blaming me?! Nakita mo ba na ako gumawa?!"

I looked away. Nakakarindi.

"Ikaw lang naman ang mahilig gumawa ng mga ganoong bagay! Pati inosenteng tao dinadamay mo!"

Oh, that explains why she knew that there was something above the door.

"Let me go! Nasasaktan ako!"

Paanong hindi siya masasaktan e' sobrang higpit ng hawak ni Andrei sa braso niya, kulang na lang baliin niya 'yon.

"Bakit ba palaging ako?"

Kusang bumalik ang tingin ko sa kanila.

"Tuwing may nababalitaan kayong kalokohan, ako agad? Why don't you ask them first?!" sigaw pa niya.

Kinamot ko ang ilalim ng tainga ko. Naiinip at naririndi na ako.

Natahimik naman si Andrei bago

bitawan si Jade. "We will talk later."

Tumingin muna siya ng masama sa amin bago tuluyang umalis.

Bumalik ang tingin ko kay Jade. Napansin niya naman na masama ang tingin ko sa kaniya kaya inirapan niya ako.

Paalis na siya nang biglang dumating si Mrs. Sanchez. Ang adviser namin.

Umayos na sila sa loob. Dumiretso naman ako sa locker area para maligo at magpalit ng uniform. Mabuti na lang talaga at required sa school namin ang extra uniform.

Pagbalik ko naman ay wala roon si Jade.

"Nasaan?" tanong ko agad.

"Nasa guidance office siya, Jack!" Lumapit sa akin si Austin. "Kawawa naman siya."

Nagtatakang tumingin ako sa kanila. "Bakit?"

"Sinabi namin na siya ang naglagay nung pintura," sagot ni Harry at nagtawanan naman sila.

"Nice," sagot ko na lang.

"Ayan na siya," bulong ni Austin at inginuso kung nasaan si Jade.

Nakatingin siya ngayon sa pinturang nakakalat.

"Ano pang tinitingin-tingin mo d'yan? Linisin mo na 'yan."

"Why would I?" mataray na tanong niya sa akin.

Ang lakas talaga ng loob niyang sagut-sagutin ako, 'no?

"Sino naman ang gusto mong maglinis? Ako?"

Tumingin siya sa akin na parang may naalala.

"Ano bang relasyon niyo ni Mia? Bakit parang ang big deal sa 'yo na natapunan siya ng pintura?" tanong niya.

Saglit akong natigilan noong banggitin niya ang pangalan ni Mia.

"Why are you asking? Nagseselos ka ba?"

"Ba't naman ako magseselos? Assuming ka?" Umirap siya at ibinalik na ang tingin sa pinturang nakakalat.

"Ikaw?" Lumingon ulit siya sa akin. Our eyes met and I felt something familiar while looking at her eyes. Hindi ko pinansin iyon. "Kapatid mo ba si Andrei?" tanong ko kahit na alam ko naman na ang sagot.

"Ano sa tingin mo?"

Napairap ako. Ang galing niya talagang sumagot ng pabalang.

Mabilis ko siyang pinigilan nang magtangka siyang takasan ang paglilinis ng kalat.

Hawak ko ang braso niya ngayon. "Where do you think you're going?"

"Mas gugustuhin kong mag-cut ng class kaysa maglinis ng kalat na hindi ako ang gumawa. So, let me go."

Hinigpitan ko ang hawak sa braso niya dahilan para mapangiwi siya sa sakit. Tumingin ako sa roon at doon ko lang napansin na iyon din pala ang hinawakan ni Andrei kanina.

"Maglinis ka muna rito. Walang magtuturong teacher kapag makalat."

"Really? Mas okay kaya 'yon," sabi niya bago ngumiti sa akin. "Hindi ko na lilinisin, pumasok na tayo."

Tamad.

Bigla naman niyang ikinawit ang braso niya sa braso ko. Hihilahin na sana niya ako kaya lang hindi ako gumagalaw.

Paano ako makakagalaw? Nagulat ako sa ginawa niya. Magkadikit na magkadikit ang mga balat namin.

My heart starts beating abnormally. What the hell is happening to me?

"What? Do you like me this close?" mapang-asar na tanong niya.

"Huh? Kadiri," iyon na lang ang nasabi ko. Pakiramdam ko ay hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag ganito siya kalapit.

An idea suddenly flashed in my mind.

I have this feeling that I want her to fall in love with me.

I want her to chase me like how I chase Mia.

I want to see her crying because of me.

Her attitude is challenging me.

She's like a game that is at a difficulty level.

A game that is hard to win... which made me even more interested.

***

Ivan

Nagmamasid lang ako habang busy sila sa ginagawa nila.

Ano kayang magiging itsura ng babaeng 'yon kapag natapunan siya sa paint? Maganda pa rin siguro. Baka pwede na siyang i-display sa Art Museum.

"Gagana ba 'yan?" tanong ko kay Harry habang palapit kay Jack na nasa labas.

"Bobo, malamang," sagot ni Harry at pinagpatuloy ang paglalagay ng paint sa taas. Siya ang nakaisip no'n, e.

Naiinip ako sa kakahintay sa babaeng 'yon kaya pumasok na ako ulit sa classroom. Muntik na akong batukan ni Harry dahil muntik ko nang masira ang plano. Nag-peace sign ako habang nakangiti.

"Sorry," nakangiting sabi ko.

Binuksan ko kasi ang pinto e' nakalagay na nga pala roon ang pintura, mabuti na lang at nasalo agad ni Harry kaya hindi nalaglag at natapon sa akin.

Nag-uusap-usap sila habang nakaabang kung nasa labas na ang babae kaya naman inantok ako.

Tulog lang talaga ang ambag ko rito.

Nagising lang ako noong tinawag ni Jack si Harry.

Tapos na ang palabas.

Hindi ko man lang napanood.

Ang sakit.