Katulad ng naging usapan namin ni Andrei, tinapos ko muna ang first year ko rito. Siya naman daw ang bahalang mag-asikaso ng pag-transfer ko sa university kung saan siya nag-aaral para wala na raw akong magiging problema pag-uwi ko.
Kailangan ko rin naman talagang umuwi dahil may sakit si Tita Bealyn at nasa hospital siya ngayon.
Simula noong nalaman ko ang ginawa ni Mommy at ang totoo, gusto ko nang talikuran ang lahat at umuwi na kay Daryl. Gusto ko nang umuwi sa kaniya.
I want to apologize to him. I want to say sorry for not trusting him. For not letting him explain. . . For not believing him.
Pero kinakabahan ako. Kasi. . . paano kung masaya na siya ngayon? Paano kung hindi niya na ako kailangan? Paano kung hindi naman na pala niya ako mahal?
Baka may iba na siya. Baka may bago na. Isang taon na rin naman simula noong iniwan ko siya.
Ako pa rin kaya?
"You're going home?" Alexis asked with his raspy voice. He just woke up. Gulo-gulo pa ang buhok niya.
"Yep! So, how did it go?" I asked while zipping my suitcase.
Bigla siyang napangiti. Lumapit siya sa kama ko at umupo roon.
"I cleared things out. Akala niya ay girlfriend kita." Napakamot siya sa batok.
"E' bakit abot-langit 'yang ngiti mo?" kunot-noong tanong ko at ibinaba sa kama ang suitcase. Tinulungan niya ako agad.
"I told her I love her," he whispered.
Napailing ako habang nakangiti dahil mukhang kinikilig pa rin siya sa nangyari.
"Teka! Bakit ka uuwi?" gulat niyang tanong na parang ngayon lang nag-sink in sa kaniya iyon.
"May kailangan akong ayusin," simple kong sagot.
Tumingin ako sa orasan ng kwarto ko. Hapon pa naman ang flight ko kaya puwede pa kaming mag-usap ni Alexis.
Naghanda siya ng breakfast para sa amin. Napailing ako nang makitang may nag-message sa kaniya at agad niya namang tinakbo ang cellphone para mabasa ito. Nakangiti pa!
Habang kumakain kami ay sinasabi ko rin sa kaniya kung anong narinig ko kay Andrei noong pumunta siya rito at kung bakit ako uuwi. Nagulat ako nang makitang wala siyang naging ibang reaksyon.
"Alam mo?" hindi makapaniwalang tanong ko. Kinagat niya ang ibabang labi at tumango.
Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili. "Kailan. . . Kailan pa?"
"M-Medyo matagal na rin," kinakabahan niyang sagot.
"Bakit hindi mo sinabi?" Nagtitimpi ngunit may bahid pa rin ng inis ang boses ko.
Napakamot siya sa batok. "Gusto ko naman talagang sabihin sa 'yo agad noong nalaman ko pero. . . si Jack na rin kasi ang nagsabi na huwag muna."
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ni Daryl na ipasabi agad sa akin. Edi sana matagal ko nang nalaman! Sana hindi umabot ng ganito katagal!
"May pasok na kasi tayo no'n, Jade. Kilala ka ni Jack, kapag nalaman mo. . . magpupumilit kang umuwi."
Masama ang tingin ko kay Alexis hanggang sa matapos akong kumain. Ngumuso ako nang maisip na baka matagal na ulit bago kami magkita. Mukha kasing wala siyang balak na umuwi dahil syempre, nandito ang babaeng mahal niya.
"Bakit ka nakanguso? Mami-miss mo ako, 'no?" asar niya pero imbis na matawa ay malungkot ko siyang tiningnan.
Natigilan siya at bumuntonghininga bago lumapit sa akin at yakapin ako habang medyo natatawa pa.
"Hindi naman ako mawawala, 'no! Para kang tanga d'yan." Hinampas ko agad ang braso niya kaya natawa na naman siya.
"Hindi mo talaga ako sasamahan?" tanong ko at tiningala siya.
Bumitaw siya sa akin at napakamot na naman sa batok. "Kinakabahan akong umuwi, e."
"Huh? Bakit naman?" taka kong tanong dahil wala namang dahilan para matakot siyang umuwi!
"Kapatid ni Calyx si Callie," sagot niya at umawang naman agad ang labi ko.
"Kapatid ni Calyx?" gulat at medyo malakas kong tanong kaya tinakpan niya agad ang bibig ko. As if naman may ibang makakarinig! Kaming dalawa lang naman ang nandito.
Dahan-dahan siyang tumango. "Baka bugbugin ako no'n."
#
Alexis talked to his girl before going home with me. May balak naman pala talaga siyang umuwi dahil pinapauwi na siya ng parents niya. Kinakabahan lang siya dahil alam na ata ni Calyx ang tungkol sa kanila ng kapatid nito.
"Are you sure that you're going alone?" he asked, worried about me. Sabi ko kasi ay ako na lang mag-isa ang bibisita kay Tita dahil kaya ko naman.
"I'm going to be fine." I rolled my eyes jokingly.
Dumating na ang sundo namin. Hindi kami sabay sa isang sasakyan dahil pinasundo siya ng parents niya.
I dialled Kuya Anthony's number while trying to rest in the car. I sighed when he didn't answer the call. Baka busy dahil nasa ospital pa rin. Si Andrei na lang ang naisipan kong tawagan.
"Nakauwi na 'ko," pauna kong sabi. "Saang ospital si Tita?"
[Sinabi ko na sa driver kung saan ka dadalhin,] sagot niya at pinatay ko na agad ang tawag pagkatapos no'n.
Pumikit muna ako ng mariin sandali para mag-isip. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Hindi na raw kasi 'yon umuuwi sa bahay nila sabi ni Alexis. May sariling condo na raw. Hindi alam ni Alexis kung saan kaya hindi niya nabanggit sa akin.
We arrived at the hospital at exactly one in the afternoon. I thanked the driver before closing the car door. I sighed while staring at the building in front of me.
I was about to push the glass door when I smell a familiar scent behind me. My heart started beating rapidly. I knew it was him who's behind me. I can feel the familiarity of his presence.
Huminga ako ng malalim at tuluyan nang pumasok ng hospital. Akmang maglalakad na ako ng diretso para hanapin ang kwarto ni Tita pero tinawag niya ang pangalan ko.
I held my chest as I swallowed nervously.
"Jade," he softly whispered my name.
Umawang ang labi ko kasabay ng pagpatak ng isang luha mula sa mata ko.
Pakiramdam ko sasabog ang puso ko kapag hindi ko siya nalapitan at nayakap ngayon.
Tangina, mahal ko pa rin talaga.
I missed him. God, I missed him so much!
Huminga ako ng malalim. Umayos ako ng tayo at lakas-loob na hinarap siya.
There. . . those cold eyes that will always begin to warm when he's looking at me. . . I finally get to see it again.
"H-Hi," he whispered gently and nervously.
Parang natatakot siya sa puwedeng maging reaksyon ko. Parang natatakot siya. . . na baka galit pa rin ako.
I slowly smiled at him. Bahagyang nanlaki ang mata niya sa naging sagot ko. Para bang hindi niya inaasahan 'to.
"Kumusta?" tanong niya. Inaya niya ako sa coffee shop na nasa tapat lang ng ospital. Nag-message na rin muna ako kay Kuya Anthony at baka hanapin niya ako.
Pilit akong ngumiti. Ramdam kong maingat ang bawat salitang binibitawan niya. Pati ang mga galaw niya ay ganoon din. Para bang isang maling salita at galaw lang niya ay magagalit ako. . . at iiwanan siya rito.
"I am. . . fine, I guess?" I shrugged my shoulders.
After knowing the truth, parang back to zero ako. Kaya hindi ko masabi kung ayos lang ba ako.
"How about you? Kumusta ka. . . noong umalis ako?" bulong ko sa huli.
Gusto kong malaman kung naging maayos ba ang lagay niya. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa kaniya noong umalis at iniwan siya nang hindi siya kinakausap.
"I missed you," he whispered. He lowered his head to hide his face.
Umawang ang labi ko. I can hear the pain in his voice. I can feel his longing. . . towards me.
Unti-unti na namang nanubig ang mga mata ko. Ngayon, hindi ko na itinago pa. Hindi na ako umiwas ng tingin at buong tapang na siyang tiningnan sa mata.
"I. . . missed you too, Daryl," I whispered. "So much. I missed you so much. . . and it feels heavy here." I pointed at my heart.
"I'm sorry," he whispered and I shake my head immediately.
"No, Daryl. I'm sorry." I whispered while crying. Nanatili ang tingin niya sa akin na para bang hindi niya inaasahan na iiyak ako ngayon sa harap niya at sasabihin 'to.
Pinunasan niya ang kaniyang pisngi at lumipat sa tabi ko. I cried even more when he hugged me, hiding my face in his chest. His warmth. . . I missed this too.
"I'm sorry for not trusting you. I'm sorry for not believing you. I'm sorry for not letting you explain. I'm sorry. . . for everything."
He caressed my hair. I heard his sobs. Napaiyak ako lalo. Umiling ako at unti-unting niyakap ang mga braso sa kaniya.
"I want to explain everything, Jade. Please, let me."
Lumayo ako sa kaniya at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. Hindi ko pa rin siya tinitingnan. Nakakahiya dahil punong-puno ng luha ang mukha ko. Hindi ko naman in-expect na iiyak ako ngayon. Mabuti na lang din at walang masyadong tao ngayon sa café na ito.
Tumango ako sa kaniya at hinawakan ang kapeng in-order niya para sa amin. Gusto kong marinig ang lahat mula sa kaniya mismo.
Hindi ko inaasahan na makikita ko siya agad pag-uwi ko. Akala ko ay mahihirapan akong hanapin at kausapin siya pero hindi pala. Nagkita agad kami na sa tingin ko naman ay nagkataon lang.
"She started messaging me before our graduation. Hindi ko naman siya nire-reply-an pero makulit siya. Hindi niya ako tinitigilan kahit na ilang beses ko nang b-in-lock ang mga number niya."
Kinagat ko ang ibabang labi ko habang inaalala kung paano ako nagalit agad sa kaniya noon.
"Nagbanta na siyang guguluhin niya tayong dalawa kapag hindi ko sinagot ang mga text at tawag niya. Napilitan akong sagutin ang tawag niya noon para pakiusapan siyang tumigil na. . . Akala ko ay madadaan siya sa pakiusap pero hindi."
Iyon siguro 'yung tawag na sinagot niya noong umalis siya habang magsisimula na ang speech ko Humigpit ang hawak ko sa cup habang naiiling na kinuha ang straw at itinusok 'yon doon. Naiinis ako sa sarili ko.
Natigilan ako nang kunin ni Daryl ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit. Nagtagal ang titig ko roon.
"Hindi ko alam kung paano niya nalaman na papunta tayo kina Alexis noong araw na 'yon. Nag-message siya sa akin na pupuntahan niya tayo. Nauna pa nga siyang dumating sa atin, e." Napailing siya na parang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala roon.
Binawi ko ang kamay kong hawak-hawak niya. Hinayaan niya naman ako pero natigilan pa rin siya.
Bumuntonghininga ako nang maalala na balisa at kinakabahan siya noon habang nasa kotse kami.
"Hindi kita nasundan sa loob dahil kailangan ko siyang pigilan at kausapin para hindi na siya manggulo pa. Nakita ka niya noong palabas ka ng gate. . . nagsasalita ako noon nang bigla niya akong halikan. I swear, I didn't saw it coming, Jade. Nagulat lang ako pero hindi ko siya hinalikan pabalik. I pushed her away but it was too late, nakita mo na."
"At nagalit agad ako. . ." bulong ko.
Napalingon ako sa kaniya. "Naiintindihan ko naman kung bakit." Ngumiti siya sa akin.
"Drink your coffee na. Lalamig 'yan," aniya habang hindi inaalis ang tingin saa kin.
"Ang ganda pa rin kahit umiiyak," bulong niya nang mag-iwas ng tingin. Lihim naman akong napangiti dahil akala niya siguro ay hindi ko narinig.
I sipped on my coffee to hid my smile. Hindi pa rin talaga nagbabago ang epekto niya sa akin. Kahit simpleng salita lang na gano'n ay parang mamamatay pa rin ako sa kilig.
Aaminin kong tuluyan lang na nawala ang bigat sa dibdib ko noong sa kaniya ko na mismo narinig ang nangyari. Mas nakakaginhawa sa pakiramdam.
"Jade," tawag niya sa akin kaya saglit ko siyang nilingon. "Puwede kong tawagan si Melanie para magpaliwanag din sa 'yo kung. . . nahihirapan kang paniwalaan ako."
Ibinaba ko ang kapeng iniinom at tiningnan na siya. "Naniniwala naman ako sa 'yo," bulong ko. "Narinig ko na kay Andrei ang lahat. I just. . . want to hear it directly from you." Umiwas ako ng tingin.
"You knew. . ."
Tumango ako at umayos ng upo. Huminga ako ng malalim at kinuhang muli ang kapeng iniinom para makaiwas sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nailang dahil nakatitig siya sa akin. I cleared my throat before roaming my eyes around.
"Do you have a. . . boyfriend?" he asked. Muntik pa akong masamid sa iniinom ko nang maramdaman ang braso niya sa sandalan ng upuan ko.
Inayos ko ang buhok. "H-Huh?"
He put his hand on his mouth, slightly pinching his lower lip while staring intently at me. "I still love you, Jade. Hinintay kitang bumalik kung kailan ka handa dahil ayaw kitang madaliin. My love for you didn't change. That's why I am asking if you are in a relationship or. . . do I still have a chance?"
Tumikhim ako at umiwas ng tingin bago pa niya mapansin ang pagtingin ko sa labi niya. "Why do you think I let you explain even though it happened a year ago already?"
Napaayos siya ng upo habang nakaawang ang labi at nakatingin sa akin.
"I. . . still love you too, Daryl. Kahit anong pilit kong kalimutan ka noon, hindi ko magawa. Ikaw pa rin talaga kahit anong gawin ko."