Chapter 32: Kabanata 30

The Only GirlWords: 9401

Bumuntonghininga ako. Pilit kong inaalis ang kaba ko dahil kami naman ni Daryl ang magpe-perform mamaya. Busy ang iba sa pag-aayos ng mga hinigaan nila kaya hindi nila ako napapansin at mas pabor ako na ganoon! Panigurado kapag nakita nila akong kinakabahan ay aasarin nila ako!

Nakapikit ako habang nakahilig sa pintuan. I am humming the song when I felt someone stood beside me.

"Nervous?" he asked and I could almost hear him laughing!

I slowly opened my eyes. Hindi ko siya nilingon. "No. Why would I be?" mayabang kong sabi.

Ngumisi siya. Nakita ko 'yon kahit na saglit lang. Napatitig ako sa labi niya.

"If you say so." He shrugged his shoulders.

Lumunok ako at iniwas na ang tingin. Medyo nawala na ang kaba.

Nagpahinga na lang muna ako. Saulo ko naman ang kanta dahil paborito ko rin naman 'yon. Pero kasi... paano kung magkamali ako? Paano kung hindi manalo dahil sa akin? At isa pa... baka kapag nagkamali ako ay pagtawanan ako. Sanay naman akong mag-perform noon pero kasi... iba naman ang audience ngayon. Hindi ako sanay sa kanila.

Mukhang napansin pa rin ni Daryl ang pagiging tahimik ko. Hinarap niya ako at binigyan ng ngiti.

"Don't think of what if's. Just enjoy... just like what you told Hendrix," he whispered carefully.

My lips parted. Alam niya na may iniisip ako at mukhang alam niya rin kung paano tumakbo ang utak ko.

How, though? As far as I know, bata pa kami noong naging magkaiba kami. Ano 'yon? Kahit na ganoon na katagal ay kilala niya pa rin ako? Pero nagtataka ako kung paano? Does he pay attention so much to me back then for him to know me this deep?

"Baba na raw!" sigaw ni Alexis na nakapagpatigil sa akin sa pag-iisip.

Sabay-sabay kaming bumaba. Hindi umaalis sa tabi ko si Daryl. Mabuti na rin na hindi siya umaalis dahil pakiramdam ko ay kakabahan ako ng sobra kapag wala siya.

Dumiretso sila sa mga upuan nila habang kami ni Daryl ay sa backstage pumunta.

Didiretso na sana ako sa loob pero hinawakan ni Daryl ang kamay ko. Natigilan ako bago siya nilingon.

"Don't be too nervous. Isipin mo na lang na sina Austin lang ang nanonood," seryosong ani niya.

Napatitig ako sa mga mata niya. Dati ay malamig iyon sa paningin ko... pero ngayon hindi na. His eyes were warm. And it's making me feel at ease.

I smiled slowly. Ni hindi ko na narinig ang sinabi ng host dahil naka-focus kay Daryl ang atensyon.

"Thank you," I whispered.

Tumango siya. He checked out my face shamelessly. "Ang ganda mo." He crunched his nose cutely. Umiling ako at umirap.

"So... for our first performer," the host trailed off. "Let's all welcome... Section E!"

My lips parted. Hindi agad naproseso ng utak ko iyon kundi pa ako hilahin ni Daryl! Kami agad? Kakakalma ko pa lang, e!

"Breathe, Jade," he whispered. His arm traveled to my waist and he rested his hand there.

"H'wag ka nang tumingin sa iba. Sa akin na lang." Iginiya ako ni Daryl papunta sa upuan na hinanda nila para sa amin.

Tumingin sa akin si Daryl, tinitingnan niya kung okay na ba ako. Tumango ako bilang hudyat na magsimula na siyang kumanta dahil kaya ko na.

"You know I want you

It's not a secret I try to hide"

The music started playing.

"I know you want me

So don't keep saying our hands are tied"

I heard the crowd's support. Rinig na rinig ko ang mga kaklase namin, lalo na si Austin.

"You claim it's not in the cards

But fate is pulling you miles away

And out of reach from me

But you're here in my heart

So who can stop me if I decide

That you're my destiny?"

Napatitig ako kay Daryl habang kumakanta siya. Ngayon ko lang siya narinig na kumanta kaya namamangha ako. Lumipat ang tingin niya mula sa mga nanonood papunta sa akin.

"What if we rewrite the stars?

Say you were made to be mine

Nothing could keep us apart

You'd be the one I was meant to find

It's up to you

And it's up to me

No one can say what we get to be

So why don't we rewrite the stars?

Maybe the world could be ours

Tonight"

His eyes were fixed on me as if I'm the only thing that matters. Na para bang ako lang ang taong nakikita niya... na para bang wala na siyang pakialam sa iba.

"You think it's easy

You think I don't want to run to you"

Ramdam ko ang panlalambot ng aking mga tuhod. Mabuti na lamang at nakaupo ako dahil kung hindi... siguradong hindi ko makakayanan ang titig niyang 'yon. Maliit akong ngumiti at umiwas ng tingin.

"But there are mountains

And there are doors that we can't walk through"

He can easily make my knees weak. Makita ko lang siyang nakatitig sa akin ay manlalambot na agad ang mga tuhod ko.

"I know you're wondering why

Because we're able to be

Just you and me

Within these walls

But when we go outside

You're gonna wake up and see that it was hopeless after all"

Kayang-kaya niya ring pabilisin ang tibok ng puso ko nang walang kahirap-hirap. Kahit pa isang simpleng tingin lang ang ibinigay niya. Kahit na isang lingon lang 'yan. Kahit isang simpleng ngiti. Wala na agad ako. Magwawala na agad ang puso ko.

"No one can rewrite the stars

How can you say you'll be mine"

Mariing nanonood at nakikinig sa amin ang mga judges, ganoon din ang audiences. Umaangat na naman ang kabang nararamdaman ko kaya nilingon kong muli si Daryl.

"Everything keeps us apart

And I'm not the one you were meant to find

It's not up to you

It's not up to me

When everyone tells us what we can be

How can we rewrite the stars?

Say that the world can be ours

Tonight"

He smiled, assuring me that everything is fine. That he's with me.

Sabay kaming kumanta.

"All I want is to fly with you

All I want is to fall with you

So just give me all of you"

Nanatili ang tingin niya sa akin. At katulad ng palagi kong ginagawa... umiwas na naman ako.

Me:

"It feels impossible"

Him:

"It's not impossible"

Me:

"Is it impossible?"

I closed my eyes firmly.

Both:

"Say that it's possible"

I heard their loud cheers and claps. Halos hindi ko na marinig ang sariling boses ko.

Both:

"How do we rewrite the stars?

Say you were made to be mine?

Nothing can keep us apart

Cause you are the one I was meant to find

It's up to you

And it's up to me

No one can say what we get to be

Why don't we rewrite the stars?

Changing the world to be ours"

Yumuko ako bago muling tumingin sa harap. Binigyan nila ako ng katahimikan para sa pagtatapos ng performance namin.

"You know I want you

It's not a secret I try to hide

But I can't have you

We're bound to break and

My hands are tied"

Ngumiti ako at lumayo na sa mic. Nakakabinging palakpakan ang ibinigay nila sa amin. Nagbigay rin ng comment iyong host. Nagtatatalon pa ang mga kaklase ko dahil sa tuwa. Mukhang proud na proud sila sa amin kaya napailing na lamang ako.

Inalalayan ako ni Daryl papunta sa backstage.

Pinagpawisan ako roon, ah!

Mabilis akong yumakap kay Daryl. Halatang nagulat siya roon pero hindi ko na pinansin. Nanginginig ang kamay ko dahil sa ginawang pagyakap sa kaniya.

Bakit nawawala ang tapang ko pagdating sa lalaking 'to?

"Thank you," I whispered before letting go.

Ngumisi siya at umiwas ng tingin noong tumango. Umakbay siya sa akin kaya natigilan ako. Ramdam ko ang lambot ng palad niya sa balikat ko dahil off-shoulder na dress ang suot ko.

"Hinihintay nila tayo," aniya. Nakaakbay siya sa akin habang naglalakad kami pabalik kina Austin. Pinilit kong huwag ipahalata na naaapektuhan ako sa kaniya.

Agad kaming pinagkaguluhan nina Alexis kaya bumitaw na sa akin si Daryl. Kaniya-kaniya sila ng puri sa amin. Ang iba ay inaasar si Daryl.

"May pahawak talaga sa waist bago kumanta, ha, Daryl?" si Neil, nang-aasar.

"May pa-staring contest pa nga habang kumakanta," natatawang dagdag ni Harry.

"Ang galing mo, Jade..." natutuwang sabi ni Austin. Tumatalon-talon pa habang hawak ang kamay ko.

"Upo na tayo, may susunod na," bulong ko dahil nakatingin na rin sa amin ang ibang nanonood.

Inayos ko ang dress na suot bago umupo. Inabutan ako ng panyo ni Daryl kaya nakapagpunas ako ng pawis sa noo.

"Nagkita ba kayo nung Lawrence kagabi?" tanong ni Alexis. Napatingin naman agad ako kay Daryl, mukhang hindi naman niya narinig.

Ipinilig ko ang ulo ko. Bakit ko naman iniisip ang magiging reaksyon ni Daryl kung narinig niya? Baka wala nga 'yong pakialam.

"H-huh?" I asked, acting like I couldn't hear him.

"Wala." Nagkibit-balikat na lamang siya.

Naalala ko naman bigla si Lawrence. Ano kayang nangyari pagkatapos kong umalis? Nag-away ba sila? Naghiwalay ba? Kasi kung ganoon nga, siguradong mas lalala ang galit sa akin ni Lei Anne. Baka maging conflict pa 'yon sa magiging performance namin.

Bumuntonghininga ako. This is tiring. Bakit ba naging ganito ang sitwasyon namin? Bakit umabot sa ganito?

"Are you okay?" Nabaling naman ang tingin ko sa may-ari ng boses na iyon.

"Yeah... I'm fine." Ngumiti ako sa kaniya bago muling ibaling ang atensyon sa stage. May nagpe-perform na kasi roon.

Ramdam ko ang unti-unting paghawak ng kamay niya sa akin.

Nilingon ko siya. "Don't worry, I'm fine," I said before getting my hand out of his hold.

He bit his lower lip while nodding. Nakatingin siya sa kamay kong kinuha ko sa kaniya. Ngumuso siya at umiwas ng tingin, bahagya namang namula ang tainga niya.

Nang iiwas ko ang tingin sa kaniya ay nahuli ko namang nakatitig sa akin si Alexis. Nagulat ako at napaiwas ngunit nagtagpo naman ang mga mata namin ni Hendrix.

Kumunot ang noo ko. Mabilis silang umiwas ng tingin noong lumingon ako. May ibig-sabihin kaya 'yon?

Akmang titingin na ako sa stage nang makita kong nakatingin sa akin si Lawrence. Ngumiti ito nang makitang napatingin ako.