Chapter 28: Kabanata 26

The Only GirlWords: 14638

Dismayadong tiningnan ko sila isa-isa. Kararating lang namin dito kina Daryl at ang mga lintik, nakaharap na agad sa pagkain!

May nagsabi rin kasi na marami raw ihahanda si Tita dahil nga dadating kami kaya ang mga loko, unang tapak pa lamang ng mga paa nila sa bahay ay tumakbo na agad sila sa kusina!

"Magsasayaw pa kayo..." paalala ko. "H'wag muna kayong kumain ng marami, please lang."

May tumango sa akin pero ang iba ay hindi pinansin ang sinabi ko! Umirap ako at naupo na lamang sa tabi ni Daryl. Bahala sila kung gusto nilang magsayaw nang busog!

"Jade, sa dati mo bang school... sumasali ka rin sa mga ganito?" putol-putol na tanong ni Austin dahil puno ng pagkain ang bibig.

Bumuntonghininga ako bago sumagot, "Sila ang nagsasali sa akin." Mukhang wala talaga silang balak na magpaawat sa pagkain!

"Napipilitan ka lang?" natatawang tanong ni Alexis. Iling na lang naman ang isinagot ko.

Pinapanood ko lang silang magbiruan at mag-asaran tungkol sa mga babae habang kumakain. Si Daryl naman ay tahimik lang sa tabi ko. Hindi ko siya malingon dahil pakiramdam ko ay sa akin siya nakatingin.

Nang mapansing patapos na sila ay saka lamang ako tumayo. Dumiretso na ako sa labas dahil doon kami magpa-practice.

Kung tutuusin nga ay dapat wala na ako rito, e! Sila lang naman ay may kailangan ng practice dahil mahirap ang sasayawin nila. Kami naman ni Daryl ay kakanta lang.

Bakit nga ba ako pumunta rito? Dahil ba alam kong mahihirapan sila at kailangan nila ang tulong ko? Pero bakit ko naman iniisip ang kalagayan nila e' ako rin naman ay kailangan maghanda para sa ipe-perform namin?

Ewan ko sa 'yo, Emerald Jade. Gulo mo.

"May nasaulo ba kayong sayaw kahit kaunti?" tanong ko at tumayo sa harap nilang lahat.

Nasa labas kami dahil hindi naman ganoon kainit ngayon. Malawak din kasi ang labas ng bahay nina Daryl at may bermuda grass naman kaya komportable silang nakaupo roon.

Tiningnan ko sina Shawn. Sila ang inaalala ko dahil baka mamaya ay hindi nila seryosohin 'to! Alam kong galit sila sa akin pero hindi naman siguro muna nila iisipin 'yon ngayon, 'no? Para rin kaya sa section namin 'to!

"Ako, meron na! Magdamag ko yata 'tong p-in-ractice!" mayabang na sabi ni Alexis at nag-push up pa bago tumayo at tumabi sa akin.

Ako ang nag-play ng video at agad namang sumayaw si Alexis. Malaki ang ngiti niya at halatang proud na proud sa sarili!

Umirap ako nang malamang hanggang gitna lang ang alam niya. Ang yabang tapos hindi naman pala saulo lahat!

Pero bagay kay Alexis 'yung sayaw. Paminsan-minsan ko rin siyang naririnig na kinakanta ang ibang verse nung kanta at maganda rin ang boses niya!

Talented naman pala ang mga 'to. Kaya pala mayayabang.

"Ang hina mo naman," asar ni Ivan at tumayo na rin. "Saulo ko na 'yan lahat!" mayabang niyang sabi.

Matutuwa na sana ako pero napansin ko ang lalim ng eye bag niya. Natatawang tiningnan ko siya.

"Natulog ka pa ba?" tanong ko, natatawa pa rin. Napakamot naman siya sa batok.

"Three hours din naman siguro ang tulog ko," nakangiwing sagot niya, mukhang nahihiya.

Makaka-survive ba siya ng isang buong araw nang tatlong oras lang ang tulog niya? What the fuck? Hindi ko kaya 'yon! Baka ngayon ay wala na akong energy!

"Sige na. Magsimula ka na," I said as I played the video.

He started dancing and we watched him intently. Ang iba ay namamangha dahil sa galing niyang gumalaw. Kahit naman ako, namamangha rin. Kung ikukumpara kay Alexis, mas magaling si Ivan. He knows how to control his body movements. He didn't miss any beat.

"Ivan, sure ka bang wala kang balak na mag-audition sa Korea?" tanong ni Calyx saktong pagkatapos ng kanta.

Nagkibit-balikat naman si Ivan bago tumingin sa akin. "Ayos ba?" He wiggled his eyebrows, nagyayabang.

Umirap naman ako at maliit na tumango. Nagulat ako nang bigla siyang tumili at napatalon.

"See, Alexis? That's how you do it!" nang-aasar niyang sabi kay Alexis kaya hinabol naman siya nung isa at dinambahan sa damuhan.

Nakakamangha rin na nasaulo niya agad 'yon. Take note, overnight lang siya nagsaulo!

"Marunong ka rin bang kumanta, Ivan?" tanong ko. Natanong ni Calyx kung may balak ba siyang mag-audition sa Korea kaya sigurado akong marunong din siyang kumanta!

Proud siyang tumango. "Pangarap ko ring sumikat. Magugulat na lang kayo, makikita niyo na ang mukha ko kung saan-saan."

"Amen," sabay-sabay nilang sabi bago nagtawanan.

Napailing na lamang ako at hinayaan na ang iba na ipakita kung anong nasaulo nila sa bahay.

Marunong sumayaw ang iba kaya lang ay mayroon din na kailangan talaga ng practice.

"Tangina mo, Ezekiel. Mag-artista ka na nga lang!" biro nila at binato ng mga towel si Ezekiel.

Tinawanan lang sila ni Ezekiel. Hindi naman pangit tingnan ang mga galaw niya. Marunong naman kahit papaano. Practice lang talaga ang kailangan niya.

Tumingin ako sa relong suot. Hindi naman siguro nila kailangan ng break dahil hindi naman sila mukhang pagod. Hinayaan ko na lang na mag-inuman muna ng tubig.

Lumingon ako sa lalaking tumayo sa tabi ko. Hindi ko napansin kung nasaan siya kanina. Siguro ay nasa loob... o kaya ay nanonood sa amin. Ngumiti siya sa akin nang mapansing nakatingin ako.

"May upuan sa loob, ipinakuha ko," saad niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

Kunwaring umirap ako para makaiwas ng tingin sa kaniya. There it goes again. My uneven heartbeat.

"Was it your... habit?" I asked, curiously. Napapansin ko kasi na ang hilig niyang... tumitig.

"Huh?" naguguluhan niyang tanong.

"Staring..." I trailed off. "Palagi ka kasing nakatitig."

"Sa 'yo. Sa 'yo lang naman," bulong niya at saglit na tumigil sa pagtibok ang puso ko. Mariin siyang nakatitig sa akin na para bang minememorya niya ang bawat sulok ng mukha ko.

Umiwas ako ng tingin dahil hindi siya kayang sabayan. Bahagyang nakaawang ang labi ko dahil sa gulat sa sinagot niya sa akin kanina.

Sa akin. Sa akin lang daw.

Hindi ko alam ang isasagot. Parang natuyo ang lalamunan ko dahil sa nangyari kaya mabilis akong humablot ng tubig na nasa bilog na lamesa.

Umupo ako sa upuan na ipinalabas ni Daryl. I couldn't look at him. Baka manlambot lang ang mga tuhod ko kapag tiningnan ko siya.

Napatitig ako sa kawalan. Napapaisip ako bigla.

How many times did I tried thinking and denying this feelings that I feel towards Daryl? Fuck. Sobrang daming beses ko nang binalewala at hindi pinansin ang nararamdaman kong 'to. Kasi naiisip ko, siguro ganito ang nararamdaman ko dahil magkaibigan kami noon. I'm comfortable with him because he's been my friend before.

Ilang beses ko nang tinanong kung ano ba talagang nararamdaman ko. Kung ano ba talagang tunay kong nararamdaman para sa kaniya. Parang... parang ngayon alam ko na ang sagot sa dahilan kung bakit ganito. Kung bakit ganito ang epekto niya sa akin. Kung bakit ang dali-dali niya lang pabilisin ang tibok ng puso ko. Kung bakit ang dali-dali ko lang sumaya kapag nasa malapit siya.

Kasi... gusto ko na pala siya. May gusto na pala ako sa kaniya.

I shook my head. I'll have to ignore this fucking feelings. He only sees me as his friend. Kaya ganoon ang pakikitungo niya sa akin. Kaya lumalambot ang ekpresyon ng mga mata niya sa tuwing ako na ang tinitingnan niya. That's because I am Gem, his childhood friend. He sees me only as that.

"Saulo mo na ba 'yung kanta?" Natigil ako sa pag-iisip nang magsalita siya sa tabi ko.

Ngayon ko lang napansin na nakaupo na pala siya sa tabi ko. Masyado yatang... malalim ang iniisip ko.

I cleared my throat before speaking, "Oo. Mag-practice ka na, wala ka namang ginagawa," masungit na utos ko.

"Ayaw. Tinatamad pa 'ko," sagot niya at umayos ng upo. Wala talagang balak na mag-practice ang hayop!

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. Hindi porke't may gusto ako sa kaniya ay makakaligtas na siya sa practice! That will be unfair, 'no!

"Taray naman po. Eto na nga, e," bulong niya. I even saw him made a face while walking!

Si Michael nga pala... Ngayon ko lang naalala na itatanong ko nga pala kung may alam siya sa nangyari sa lalaking 'yon. Kaklase siya ni Michael at siya rin ang President ng section namin kaya naman imposible na wala siyang alam sa lalaking 'yon!

Tahimik na sinundan ko siyang pumasok sa loob ng bahay. Nagulat siya nang makita ako kaya bahagya siyang napaatras ng upo.

"Bakit?" takang tanong niya. Nakaupo siya sa mahabang sofa habang may hawak-hawak na lyrics ng kanta.

"May... itatanong lang sana," sabi ko at umupo hindi malayo sa kaniya. Tama lang ang pagitan naming dalawa.

Dumaan si Tita Jacky kaya nginitian ko ito. Ginantihan niya lamang din ako ng ngiti bago siya pumasok sa kusina.

"Anong itatanong?" he asked, not taking off his eyes on me.

"Alam kong alam mo kung bakit hindi pumapasok si Michael. Alam mo, 'di ba?" I asked hopefully. Iba na kasi ang nararamdaman ko. Alam kong may mali na talaga. Kaya rin siguro ganoon kagalit sa akin sina Shawn.

Sinubukan kong hulihin ang tingin niya ngunit magaling siyang umiwas.

"Wala talaga kaming alam, Ge—"

"Jade. Call me Jade... or Emerald," I cut him off.

Nagtatakang ibinalik niya ang tingin sa akin.

Ngumiti ako. "'Di ba sabi mo ayaw kong ipaalam sa inyo ang pangalan ko dati kaya Gem lang ang sinabi ko?" Tumango siya. "Alam mo naman na ang pangalan ko ngayon kaya you should call be by my name."

Ngumiti akong muli bago lumabas at iniwan na siya roon. Alam kong may alam siya na hindi niya sinasabi sa akin. Hindi siya iiwas ng tingin kung wala siyang tinatago. Pakiramdam ko ay may ginawa sila na hindi ko dapat malaman kaya iisa sila ng sinasagot sa akin.

"Jadeeeee!" sigaw agad ni Austin nang makita akong lumabas.

Sinamaan ko siya ng tingin. Parang bata talaga kung umakto! Kailan ba titino 'to?

"Ready na kami." He smiled widely. Tumayo na ang iba kaya tumango ako at tahimik na pumunta sa harap nila.

Ngumuso ako at pinanood ang unang formation sa video.

"Dito ka sa kaliwa haharap, 'di ba?" mataray na tanong ko dahil una pa lang ay mali na agad si Calyx.

Isa-isa kong inayos ang pwesto nila at nagco-comment pa ako kaya ang iba ay napapakamot na lamang sa ulo.

"Kaya mo ba gawin 'yung part mo sa una?" tanong ko kay Ezekiel dahil parang mag-slide siya sa una, e.

"Okay lang," malamig niyang tugon sa akin. Hindi ko na pinansin dahil alam ko namang galit pa rin sila sa akin.

Nang i-play ko ang kanta ay akala ko ay maayos nilang masasayaw pero hindi pala. Taka silang tumingin sa akin nang patigilin ko sila.

"Hindi kayo magsasabay-sabay sa una, 'di ba? Parang mag-domino siya, sunod-sunod," sabi ko dahil doon sila nagkamali.

Naka-tatlong ulit bago nila makuha ang timing at tamang position ng kanilang katawan. Una pa lamang 'yon, ha! Wala pa sa ilang seconds.

"Harry, ulit ka nga!" medyo inis na sabi ko.

Hindi siya nagreklamo at inulit na ang pinagagawa ko.

"Okay. Go," I said as I played the music again.

Sumeryoso naman na ang iba. Ayaw siguro nilang magkamali dahil alam nilang ipauulit ko nang ipauulit!

"Kian, medyo late ka," puna ko pero ngayon ay kalmado na. Kapag dinaan ko kasi sa inis ay baka mainis din sila.

"Isa pa." Inulit kong muli ang kanta.

Napakamot si Kian sa batok at ang iba ay tinatawanan siya. Hindi ba dapat ay naiinis sila dahil umuulit sila dahil sa pagkakamali ng iba?

"Ulit!"

Nasa 28 seconds na noong itinigil kong muli ang kanta. Sabay-sabay rin silang napatigil.

"Ipod pa kayo ng kaunti," utos ko kay Ezekiel, Austin at Alexis para sumakto sa timing ang pasok nung iba.

Pinaulit kong muli ang sayaw simula sa umpisa.

"Hoy, lalaki! Ang kamay mo ay sa kanan!" sigaw ko kay JM.

Tuloy-tuloy pa rin naman ang kanta dahil simple lang naman ang mali niya. Nakakatamad na rin mag-pause at mag-play nang paulit-ulit!

"Ezekiel, liitan mo nang kaunti ang hakbang mo," komento ko habang mariin silang pinapanood.

"Pasensya na!" sigaw niya na ikinagulat ko.

Tuloy-tuloy pa rin ang kanta kaya tuloy-tuloy rin ang sayaw nila.

"Ang pangit tingnan! Hindi sabay-sabay 'yung iba!" sigaw ko habang pinapanood sila nang mabuti.

Kumunot ang noo ko nang ma-realize na alam nila kung saan ang position nila. Kung saan sila pupunta at kung saan sila haharap. Ang ibig sabihin lang no'n ay pinag-aralan talaga nilang mabuti 'to. Hindi biro-biro lang.

Nasa gitna na kami nang itigil kong muli ang kanta. Hindi na rin kasi alam ng iba iyong steps.

"Ivan," tawag ko sa lalaki na ngayon ay umiinom ng tubig.

"Hmm?" Lumapit siya sa akin habang umiinom pa rin. Tumutulo na ang pawis niya sa may bandang noo.

"Ituro mo muna sa iba 'yung ibang steps. Kaya mo naman, 'di ba?" Inabot ko sa kaniya ang cellphone ko para doon niya papanoorin ang video.

Bago kami mag-practice kanina ay kinuha ko lahat ng cellphone nila at itinago muna iyon para siguradong walang distractions habang nagpa-practice sila.

"Okay," mabilis niyang sagot at tinawag na ang mga kaklase namin.

Tumingin ako kay Hendrix at naabutan siyang nakatingin din sa akin. Ngumiti lang ako saglit sa kaniya. Hindi siya gano'n kagaling sumayaw pero pwede na. Kayang daanin sa practice.

"Kain muna kayo, mga anak!" Umawang ang labi ko nang marinig ang sinabi ni Tita Jacky.

Pagkain na naman?

"Tita, okay lang po sila. Mamaya na," nakangiting sabi ko.

"Kain muna, Jade!" agap ni Austin at mabilis na tumakbo palapit sa mommy ni Daryl.

Pilit na nginitian ko siya. "Mamaya na," mariing sabi ko.

Kapag ito pumalag... ewan ko na lang kung anong magagawa ko.

"Pero kasi—"

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil may kamay na tumakip sa bibig niya.

"Tita, mamaya na po," magalang na sabi Hendrix.

Saglit na napanguso si Tita Jacky. "Sige... Sorry sa abala, hija." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko bago muling pumasok sa loob ng bahay.

Kasabay ng pagpasok ni Tita Jacky ang paglabas ni Jack Daryl na mukhang bagong gising! Ang bwisit na 'to, mukhang natulog at hindi nag-practice!

"Umayos ka nga," stressed na sabi ni Ivan kay Harry dahil mukhang hindi nito makuha ang itinuturo niya.

Binalingan ko si Daryl na tumabi sa akin. "Nag-practice ka ba talaga?"

Mabilis siyang ngumiti. "Nakatulog ako, pasensya na."

Umirap ako at bumuntonghininga. Okay lang. Matagal pa naman ang School Festival. May oras pa para mag-practice. Calm down, Emerald Jade. Calm down.

"Hendrix," tawag ko sa lalaki na pinagtatawanan ngayon si Neil. Mabilis siyang lumapit sa akin nang marinig na tinawag ko siya.

"Mag-practice ka muna ng kanta mo? May dala kang gitara?" tanong ko.

Umiling siya kaya napapikit akong muli.

I sighed. "Do you think you can practice properly without a guitar?"

"Don't worry, I have one." Mabilis na agap ni Daryl na mukhang naramdaman na malapit na akong mainis.

"Hendrix will practice his song and the rest... practice your dance and formation," I said and they all nod synchronously.

Siguro ay ramdam nila ang inis ko kaya hindi na sila nagsalita pa at sabay-sabay na lamang na tumango.