Hindi ako agad nakaimik. Nakatitig silang lahat sa akin at kitang-kita ko pa ang tuwa sa mukha ni Shawn at nung tatlong katabi niya. Bwisit. Sabi ko na, e. Sila ang unang matutuwa kapag narinig nila 'to.
"Anong lilipat? Bakit siya lilipat?" naguguluhang tanong ni Daryl.
"Bakit, Jade? 'Di ba ayaw mong lumipat?" seryosong tanong sa akin ni Austin. Natigilan pa ako dahil hindi naman siya seryosong tao kaya ang makita siyang ganito ngayon ay nakakagulat.
"At mukhang wala kang balak sabihin sa 'min," si Kian.
"M-meron. Kaya langâ" I was cut off. Again.
"Ano naman ngayon kung hindi niya sabihin? Ano niya ba kayo?" pag-epal ni Jake. Inirapan ko siya.
"Ano nga ba?" Daryl laughed bitterly.
Bumuntonghininga ako. "May balak naman akong sabihin sa inyo kaya lang... sinusubukan ko pa kasing pigilan. Ayaw kong lumipat."
Sinamaan ako ng tingin ng kapatid ko. Hindi niya ata inaasahan ang sinabi kong 'yon. "As if mapipigilan mo."
I can, bro. I can.
Pikon na umalis si Jake. Agad siyang nilapitan ni Mia. Tumingin ako kay Daryl dahil akala ko ay susundan niya ng tingin ang dalawa pero hindi pala. Sa akin siya nakatingin at hindi sa kanila.
"So?" Daryl started. He crossed his arms before sitting on the table. Diretso siyang nakatingin sa akin kaya umiwas ako ng tingin.
"I told you... sasabihin ko naman. Sinusubukan ko pa kasing pigilan kaya hindi ko muna sinabi." Hindi pa rin naniniwala ang tingin nila sa akin.
I sighed. "Maniwala nga kayo!" inis kong sabi. Nasa harap ko pa rin si Daryl. His hands were in his pockets.
"Paano na 'yan? Paano kapag hindi mo sila napigilan?" Umawang ang labi ko nang marinig ang malungkot na boses ni Austin.
"I... I don't know," I answered. That's the truth anyway. Hindi ko talaga alam ang gagawin.
"Edi tutulungan ka namin!" suhestiyon ni Ivan.
Kilala ko si Ivan dahil palagi siyang natatawag ng mga teacher kahit noong unang araw ko pa lang sa section nila. Ang lakas ba naman pagdating sa recitation kahit puro siya reklamo na ayaw na niyang mag-aral.
"Pwede rin," pagsang-ayon naman ni Harry na ikinagulat ko. Minsan lang siya umimik. Akala ko tuloy dati ay isa siya kina Shawn dahil parang galit pa rin siya sa akin pero hindi pala. Tahimik lang pala talaga siya.
Mahigpit na inakbayan ni Hendrix si Ivan. "Minsan pala ay may maganda ring pumapasok d'yan sa utak mo, 'no?"
"Tanga, matalino lang talaga ako," mayabang na sagot naman nung isa.
"Talaga, p're? Bakit hindi namin alam?" singit ni Alexis.
"Manahimik nga kayo!" inis na sabi naman ni Daryl at umupo na sa upuan na nasa tabi ko.
Ngayon ko lang napansin na wala pa silang dalang pagkain. Sina Shawn ay hindi ko na makita. Siguro ay bumalik na sa classroom.
Inis ko silang binalingan. Bukod sa nagugutom na ako ay iniisip ko pa kung anong sense ng mga sinasabi nila. "Paano niyo naman ako tutulungan, ha? E' hindi nga kayo makapunta sa amin kapag nando'n ang kapatid ko."
"Kakausapin namin ang parents mo!" sagot ni Austin sa akin at mukhang proud na proud pa siya sa sinabi.
Tumango ang mga kumag na para bang sang-ayon sila sa sinabi ni Austin kaya lalo akong napairap.
"Imposible 'yan," kontra ko.
"Bakit naman?" kunot-noong tanong ni Daryl.
"Nasa New Zealand na ulit sila," inaantok na sagot ko.
"Gano'n kabilis?" gulat at parang namamanghang tanong ni Hendrix.
"Oo?" nagtatakang tanong ko dahil wala namang nakakagulat sa sinabi ko pero gulat na gulat siya.
"Yaman niyo naman. Ginawang kapitbahay ang New Zealand," manghang sabi ni Neil.
"Ano kasing gagawin natin?" namomroblemang tanong ni Austin.
"Puntahan na lang kaya natin sa New Zealand?" tanong nung lalaking asul ang mata at mukhang seryoso siya sa sinabi.
"Ikaw na lang, Calyx," si Harry. "Do'n naman kayo nakatira, 'di ba?"
Calyx. That's his name pala. Palagi na lang lalaking asul ang mata ang tawag ko sa kaniya.
"Ikaw na lang, p're. Wala kaming pera." I made a face when Alexis said that. Itsura niyang 'yan, wala siyang pera?
"Edi wala tayong ibang choice kundi kausapin 'yung Anthony." Napakamot sa batok si Daryl na para bang isang problema rin ang pagkausap kay Kuya Anthony.
"Good luck," bored na sabi ko at humikab pa.
Si Kuya Anthony pa ang naisipan nilang kausapin e' ang hirap-hirap kausapin ng lalaking 'yon.
"Jade, napaka-killjoy!" Mahinang binatukan ako ni Hendrix kaya nagulat ako.
Mukhang nagulat din siya sa ginawa kaya agad na lumayo sa akin pero hindi naman siya nakaligtas kay Alexis. Binigyan siya ng lalaki ng malakas na batok na ako na lang ang napangiwi dahil ramdam ko ang sakit no'n.
"So, ano ngang gagawin?" inis kong sabi at humawak sa tiyan habang nakanguso.
Anong silbi ng pagpunta namin dito sa cafeteria kung hindi naman pala kami kakain?
"'Yon na nga lang, Jack," sabi ni Kian kay Daryl. "Sa room na tayo kumain. Ako na ang bibili."
Nagliwanag naman ang mukha ko nang makarinig ng salitang pagkain. Mukhang napansin niya na nagugutom na ako.
Bumalik na kami sa classroom. Ang mga kasama ko ay tahimik na para bang malalalim ang iniisip!
Naabutan kong nakatingin sa akin sina Shawn kaya agad kong hinarap si Austin.
"Bakit?" inosenteng tanong ng bata sa akin. Nagulat ako sa lapit ng mukha namin. Ngayon ko lang napansin na ang bata pala talaga ng itsura niya.
"I just want to ask some quesâ" He immediately stopped me from talking by putting his index finger on my lips. I glared at him.
"Jade, stop muna sa english. Ang sakit na ng ulo ko," parang batang sabi niya.
"Sobrang lapit mo, Jade. May nagseselos sa likod." Agad akong lumayo kay Austin nang marinig si Neil sa unahan ko.
Hindi ko na sinubukan pang tumingin sa likod na sinasabi ni Neil at itinuloy na lang ang itatanong kay Austin. "'Yung tatlong lalaki na laging kasama ni Shawn, anong pangalan ng mga 'yon?"
Si Austin naman ngayon ang lumapit sa akin para bumulong. "Itong nasa unahan ko, Ezekiel ang pangalan niyan. 'Yun namang katabi ni Kian ay si John Mark, JM ang tawag namin sa kaniya. Tapos 'yung katabi naman ni Harry ay James ang pangalan."
Tumango-tango naman ako kahit na hindi ko sigurado kung matatandaan ko ba ang mga pangalan nilang 'yon.
Dumating na si Kian dala ang mga pagkain na binili niya. Ngayon ko lang napansin na kasama niya pala si Ivan. Sa sobrang dami kasi nila ay hindi ko na malaman kung sinong nawawala!
Habang kumakain kami ay dumating si Mrs. Santos. Kumunot ang noo ko dahil hindi naman niya oras ngayon.
"I'm here to announce something," she started. Natahimik naman kaming lahat. Napatigil din tuloy ako sa pagkain. "May pa-contest sa isang linggoâ" Hindi matapos ni Ma'am ang sasabihin dahil naghiyawan agad ang mga kaklase ko, nangunguna na si Austin.
"Quiet, please!" sigaw ni Ma'am at nanahimik naman sila. "School Festival ito, mga anak. Kailangan ay mayroong representative ang bawat sections. Isa ang para sa kakanta, 'yun ang first day natin. Sa second day naman ay dalawang students ang kailangan natin, magdu-duet. At sa third day, kailangan namin ng grupo para sa sasayaw. Ang fourth day natin ay by grade level ang magiging labanan. And sa last day, doon na natin malalaman ang mananalo," mahabang sabi niya.
Napatingin ako kay Austin nang magtaas ito ng kamay.
"Yes, Mr. Martinez?" si Ma'am habang inaayos ang mga dala.
"Wala po bang uwian?" tanong ni Austin.
"Yes. Wala," sagot ni Ma'am at nakita ko agad ang mga malalawak na ngiti ng mga kaklase ko.
May naisip din akong tanong kaya nagtaas din ako ng kamay. May nabanggit kasi si Ma'am na may maglalaban daw na by grade level pero wala siyang sinabi kung sino naman ang ilalaban.
"Ano yon, Fernandez?" Ngumiti siya.
"Sino po ang ilalaban natin do'n sa by grade level?" Ang unfair naman kasi kung mamimili na lang sila bigla. Pwede naman sigurong magkaroon muna ng labanan bawat sections bago ilaban sa bawat grade levels?
Makahulugan siyang ngumiti sa akin. "I was about to talk to you privately about this. Pero dahil nagtanong ka na..." She smiled again. "Ikaw, si Dianne, si Lei Anne at si Mia."
Umawang ang labi ko dahil hindi naintindihan ang kaniyang sinabi. "P-po? Kami po? Bakit?" sunod-sunod na tanong ko.
"Napanood kasi namin 'yung video niyong apat na magkakasama," maikling sagot ni Ma'am na akala mo'y masasagot no'n ang tanong ko.
Hindi na sana ako iimik pero naalala kong ang video lang naman na meron kami nina Lei Anne ay iyong naglalakad kami.
"Ma'am." Nagtaas ako ulit ng kamay. "Aling video po? 'Yun po bang naglalakad?"
Tumango siya habang nakangiti.
"Bakit po?" Napakamot ako sa kilay dahil hindi talaga maintindihan.
Anong labanan ba iyon? Pagalingan lumakad?
"Malaking percent kasi sa judging criteria ang audience impact. Dahil nakilala na ng mga co-students niyo ang pangalan niyo... malaking advantage 'yon para manalo," ani niya.
Tumango-tango ako. Nagpaalam nang aalis si Ma'am kaya naituloy ko na ang pagkain ko. Sanay naman akong mag-perform sa harap ng maraming tao dahil pasikat talaga ako sa dati kong school. Gustong-gusto ko na nasa akin ang atensyon ng mga tao. Pero... bakit kinakabahan ako ngayon?