I woke up here in the hospital. My head is still hurting. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito at hindi ko rin alam kung bakit ako nandito!
"What do you feel?" Kuya Anthony asked. He looks so worried.
Nagulat ako nang makitang hindi lamang siya ang nandito ngayon.
"What happened, anak?" mom asked me worriedly.
"Sinaktan ka ba ni Jack?" tanong ni Jake at lumapit na rin sa akin.
Napatitig lamang ako sa kanila. Hindi ko makuha ang gusto kong sabihin. Gusto kong malaman kung ano 'yong mga imahe na bumabalik sa isip ko at kung bakit may ganoon!
May nangyari ba sa akin para hindi ko maalala ang mga nangyaring 'yon? I know that those scenes really happened! Hindi 'yon gawa-gawa lang ng utak ko! Alam kong nangyari 'yon pero bakit hindi ko maalala kung kailan at saan?
Bumuntonghininga ako at tumungo. "Mommy, did something happen to me that I couldn't remember?"
Nakita ko ang gulat sa mata nilang lahat. Nagkatinginan pa ang mga ito bago sagutin ni mommy ang tanong ko.
Dahan-dahang tumango si mommy.
"Some things flashed back in my mind, mom. What happened to me? What are those memories? Bakit hindi ko maalala ang mga 'yon?!" I yelled in frustration.
Napayuko na lamang si mommy at hinawakan ang kamay ko pero iniwas ko 'yon.
I want to know everything. I want to know why I couldn't remember those things! I want to know what happened!
I looked away to wipe my tears but they won't stop falling!
"Jade, anak." Hinuli niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon. "Nung nagising ka noon ay naaalala mo pa kami pero 'yung nangyari sa 'yo bago ka naaksidente ay hindi mo maalala. Maging 'yung kaibigan mo na lagi mong kinukwento sa amin ay hindi mo rin maalala."
So, Daryl is really my friend?
"Did... did you ever see that friend of mine?" I tried asking about him.
Malungkot na umiling si mommy. "Mag-isa ka lang sa hospital no'ng makarating kami."
He wasn't there?
"You got hit by a car, Jade. There's no cameras around the area kaya wala kaming alam kung paano nangyari 'yon sa 'yon."
Wala naman akong magagawa kung hindi talaga nila alam ang nangyari.
The doctor allowed me to go home and rest.
Nang makarating kami sa bahay ay agad akong natulog. Sinubukan ko pang isiping muli ang mga nangyari ngunit sumasakit lamang ang ulo ko sa tuwing ginagawa ko iyon kaya tinigilan ko rin agad. Sabi kasi ng doctor ko ay masama sa akin kapag pinilit ko pa at kailangan ko raw munang magpahinga.
Mabuti na lamang at nagpahinga ako dahil magaan na ang pakiramdam ko nang magising ako kinabukasan. Agad naman akong naligo at nagbihis dahil may pasok pa rin kami ngayon. Ayaw ko sanang pumasok dahil makikita ko si Daryl pero dahil nandito si mommy ay kailangan.
Kasabay kong lumabas ng kwarto si Jake. Hindi ko sana siya papansinin ngunit kinausap niya ako.
"You have your car. Hindi ka na ba sasabay sa akin?" tanong niya.
"Nope," maikling sagot ko nang hindi siya nililingon.
Lumabas na ako ng bahay. Hindi ko na ginising si mommy dahil hindi pa pala siya nakakapagpahinga noong pumunta siya sa hospital. Dumiretso agad siya papunta sa akin kahit pa pagod siya galing sa meeting at sa byahe.
Akmang papasok na ako ng kotse ngunit may kamay na pumigil sa braso ko.
"I... I am sorry, Jade," he whispered.
Natigilan ako. Tama ba ang narinig ko?
Nakayuko siya ngayon at hindi makatingin sa akin pero hawak niya pa rin ang braso ko.
"Sorry for not being a good brother to you, Jade. Sorry kung hindi muna ako nagtanong tungkol sa nangyari. Sorry if I hurt your feelings. I'll be better, just please, don't be mad anymore. I miss you." I felt his hold on my arm loosen.
I was not ready when I saw him crying in front of me.
My hands automatically reached for his face to wipe his tears. This is the first time that I saw him crying.
Dahan-dahan akong tumango. "I'm also sorry for being stubborn, Jake. I'll be good so you won't be mad at me anymore." Alam ko naman kasing may kasalanan din ako kung bakit siya nagagalit sa akin. Hindi ko man alam ang rason pero wala na akong pakialam doon.
I hugged him tightly. Mabuti na lang at wala pang ibang tao! Nakakahiya naman kung may makakakita sa amin na nag-iiyakan dito!
Humiwalay na siya sa akin nang tumunog na ang relo niya. Sabay naman kaming natawa dahil doon. Pinunasan niya muna ang luha niya bago niya punasan ang akin gamit ang mga kamay niya.
"H'wag ka ngang umiyak, lalo kang pumapangit."
Bwisit! Nang-asar pa!
Malakas kong hinampas ang kamay niya. "Bwisit ka!"
Hahampasin ko pa sana siya pero ang loko, mabilis na tumakbo papunta sa kotse niya!
Umirap na lamang ako at nag-drive na rin papunta sa school. Nauna siyang dumating sa akin dahil nauna siyang umalis. Magtatago sa akin ang lalaking 'yon ngayon dahil alam niyang gaganti pa ako!
Napatingin ako sa reflection ko mula sa cellphone ko. Mukha na akong tanga rito dahil nakangiti pa rin ako.
Hindi ko alam kung bakit hanggang sa paglalakad ay nakangiti pa rin ako. Masaya lang siguro talaga ang puso ko ngayon dahil sa wakas, sa tingin ko ay ayos na kami ng kapatid ko.
Hindi maingay ang mga kaklase ko nang makarating ako sa classroom. Hindi pa rin naman sila kumpleto. Kahit mga tarantado ang mga 'to ay complete naman ang attendance nila kaya nakaka-bother siguro kapag may um-absent bigla.
"Huy! Okay ka lang? Para kang tanga d'yan. Kanina ka pa ngiti nang ngiti." Napawi ang ngiti ko nang magsalita ang kaklase kong si Calyx.
Inirapan ko ang lalaki bago umiling at sakto namang dumating si Austin na may dala pang pagkain. Napatitig ako sa dala niyang 'yon.
Hindi pa nga pala ako nag-aalmusal.
"Gusto mo ba, Jade?" alok niya sa akin.
I won't say no! I'm hungry!
"I want the chocolate one!" I said when I saw what he was eating. He handed me the paper bag.
Dumating ang teacher namin saktong pagkatapos naming kumain.
I took out my notebook so I can jot down some notes while I am listening. Si Austin ay dumadaldal pa rin sa tabi ko pero hindi ko siya pinapansin. Bahala siyang magsalita nang walang kausap.
Magsasaya na sana ako dahil lalabas na si ma'am nang walang sinasabing may assignment kami pero umatras siya para sabihin ang bagay na ayaw na ayaw kong naririnig.
"May quiz bukas."
Tsk.
History na naman ang susunod na subject. Dito ako mahina! Kaya kong mag-solve ng math pero hindi ko kayang balikan ang nakaraan! Ang baba ng score ko sa subject na 'to nung nag-quiz kami. 34 over 50!
Wala pa ata si ma'am sa kalahati ng itinuturo niya pero inaantok na ako!
Napapitlag ako nang bigla niyang hampasin ang lamesa dahil nag-iingay ang mga kaklase ko.
"Hindi ako makakapagturo bukas dahil may meeting kami," ani niya kaya agad naman akong napangiti. "Pero..." Bakit may pero? "I-review niyo ang mga itinuro ko ngayon dahil may quiz sa isang araw."
Naibagsak ko na lamang ang ulo ko sa lamesa. Quiz din? Nabingi na yata ako.
Tumunog na ang bell kaya agad na tumayo ang mga kaklase ko na akala mo'y isang linggong hindi pinakain sa kanila.
"Jade, sabay na tayo," sabi ni Austin.
Tumango na lamang ako dahil wala naman na akong magagawa. Nakasunod na siya sa 'kin!
Ako na lang ang nagbantay ng table namin para hindi na maagawan. Si Austin na lang ang pumunta roon para um-order.
Napatingin ako sa table na malapit lang sa pwesto ko ngayon. Maingay kasi ang mga nandoon. Akala mo ay sila lang ang nandito. May naglalampungan pa!
Edi ikaw na ang may jowa! Sana all na lang.
Umiwas na ako ng tingin pero nagulat nang may sumulpot na babae sa harap ko.
"Excuse me?" Nameywang siya sa harap ko.
Tumaas naman ang isang kilay ko dahil hindi maintindihan ang sinasabi niya. "Dadaan ka?" seryosong tanong ko sa kaniya.
"H'wag mo ngang titigan ang boyfriend ko!" galit na sabi nito.
Lalo namang lumalim ang kunot ng noo ko kung hindi ko pa siya nakilala. Isa pala siya mga tao roon sa kabilang table!
"Sino ba ang boyfriend mo?" kalmadong tanong ko dahil hindi lang naman isang lalaki ang tiningnan ko kanina.
At isa pa, hindi ko naman tinitigan! Tiningnan lang!
"Sino pa ba? Edi yung tinititigan mo!" sigaw pa nito sa akin kaya agad na lumapit ang dalawang kaibigan niya para awatin siya.
"Miss, marami silang tinitingnan ko kanina. Lahat sila boyfriend mo?" iritadong tanong ko.
Nakarinig ako ng bulungan sa paligid dahil may nakikinig pala sa amin! Ito namang babaeng nasa harap ko ay namumula na sa galit. Padabog siyang umalis sa harap ko at hinila palabas ng cafeteria ang boyfriend niya.
"Anong nangyari, Jade?" tanong ni Austin habang tinatanaw iyong babae.
Umiling lang ako at kinain na ang pagkain na binili niya. Nagutom ako dahil sa babaeng 'yon!
Sumulpot si Neil sa tabi ni Austin. "Pasabay kami, ha!"
Kasunod niya si Daryl at umupo ito sa tabi ko. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko yata siya kayang tingnan! Dahil siguro sa mga picture na nakita ko at sa mga alaalang bumalik sa isip ko na hindi ko naman maalala kung kailan at saan nangyari! Kaibigan ko siya noon pero hindi ko naman maalala kung paano nangyari 'yon.
"Are you okay? Nahimatay ka kahapon," biglang sabi niya.
Hindi ko alam kung nagha-hallucinate lang ba ako o sadyang nag-aalala ang pagkakatanong niya sa akin no'n.
"I... am fine." I forced myself to smile.
Hindi naman na siya nagsalita after no'n. Hindi na rin siya tumingin sa akin at tahimik na lang siyang kumain.
Sabay-sabay na rin kaming lumabas ng cafeteria pagkatapos kumain. Nasa tabi ko pa rin si Daryl. Hindi naman siya umiimik kaya hinayaan ko na lang.
"Ay! Anong meron?" curious na tanong ni Austin bago makisingit sa mga taong nagkakagulo.
Chismoso rin, e!
Ano namang pinagkakaguluhan nila? Nasa building pa naman namin! Hindi kami makaakyat kasi nakaharang sila sa hagdan.
Tumatakbong lumapit sa amin si Austin. Palibhasa ang liit-liit niya kaya basic lang sa kaniya ang sumingit.
"Ano? Anong meron?" tanong naman agad ni Neil.
Chismoso rin!
"May bagong transfer sa Section A!" malakas na sabi ni Austin kaya napatakip ako sa tainga ko.
"Sino?" rinig kong tanong naman ni Daryl.
"Ewan ko," kibit-balikat na sagot naman nung isa. "Pero lalaki, e!"
Sinubukan naming maglakad papunta roon pero ang dami talagang tao!
"Pogi ba 'yan at kailangang pagkaguluhan?" iritadong tanong ko.
"Oo, pogi siya! Boyfriend ata ni Lei Anne," sabi sa akin ni Austin habang tinatanaw ang nasa unahan niya.
Sino naman kaya ang boyfriend ni Lei Anne?
Nagulat ako nang biglang nahawi ang crowd. Dalawang tao ang nakita kong naglalakad patungo sa direksyon namin.
What the fuck? I know him!
Tumigil ang dalawa sa harap namin at agad namang ngumiti sa akin si Lei Anne. "Excuse me. Dadaan kami ng boyfriend ko," nagyayabang na sabi niya pa.
Kumunot ang noo ko at umirap. Wala naman akong pakialam sa boyfriend niya! Hindi naman ako affected, 'no!
"Jade," his familiar voice made my heart stop beating for a moment. "Long time no see!"
Hindi ako agad nakapagsalita. Alam kong nakatingin na ang mga kaklase ko sa akin pero hindi iyon ang iniisip ko ngayon. Iniisip ko kung paano ko babatiin ang lalaking nasa harap ko.
Hindi ko siya magawang ngitian dahil may parte pa rin sa akin ang guilty dahil sa ginawa ko sa kaniya. He's my ex boyfriend. Naging kami pero hindi ko siya minahal. I played his feelings for me.
Napatingin ako sa lalaking katabi at naabutan siyang nakatingin din sa akin. Bumuntonghininga ako nang alisin ko ang tingin kay Daryl at ibinalik iyon sa lalaking nasa harap ko.
"Long time no see, Lawrence."